4 (Avah Day)

192 6 0
                                    

[King Lee on the side ----------->]

Dedicated sa nagmamalditang may gawa ng Avah Maldita na siyang naging inspiration ko para gawing maldita si Jade. Thank you sa maldita tips ;)

TGIF! Mabuti naman at sawang sawa na ako sa pagmumukha ng mga kaklase kong maiingay. Dahil nga Friday ngayon maganda ang gising ko. At dahil maganda ang gising ko I declare that today is AVAH DAY! Yes, you’ve read that right, wag kang tanga. Avah Day. Ibig sabihin, naka full ang pagmamaldita at pagmamataray ko. Humanda lahat ng makakahalubilo ko dahil ngayon, AKO SI AVAH CHEN!

~school

Naglalakad ako ng nakataas noo habang rumarampa na sa hallway dahil alam niyo naman, masyado din akong maganda para yumuko tulad ni Avah. Lahat ng stupidents nag make way sa akin. Syempre ang lakas yata ng dating ko no! Para na rin silang nakakita ng artista yun nga lang mas maganda ako at mas matalino.

Habang rumarampa ako bigla namang may nadapa sa dadaanan ko kaya tinignan ko siya ng masama at nagsalita “Oh ano? Hahandusay ka nalang diyan forever?”

“Ss-sorry po.” Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi pa din siya tumatayo. Tanga talaga.

“Wag mo akong pino-po dahil mas mukha ka pang matanda sa akin. At baka gusto mo nang tumayo diyan? Nakakahiya naman kasi sa akin nakakaabala ka sa pagrampa kong maganda.” Oo may mukha ang pagrampa ko. Bawal magkamali?! Try niyo kayang magmaldita tulad ni Avah. Nakakastress kaya. PSH!

“Seli wag ka ngang magpapa-api sa bruhang yan. Halika,tumayo ka na.” May isang echoserang babaeng tumulong sa babaeng lumpo kanina. Lumpo dahil di makatayo, O bawal mag-joke?

“Aba, ang kapal ng mukha mong sabihan akong bruha e tiganan mo naman ang buhok ko. Maayos, long and silky e yang sayo? Walis tambo ang peg?” Pang-aasar ko sa babaeng yon.

“Hoy tumigil ka kung ayaw mong pasampal diyan.” ABAT hinahamon ako?!

“Ikaw ang tumigi at tumahimik diyan dahil UNA ang baho ng hinanga mo kanina ka pa sigaw ng sigaw. IKALAWA sige lang sampalin mo ako kung gusto mong makatikim ng flying kick, uppercut at straight job COMBINED.” At nagflip hair ako. Nagtawanan naman lahat ng stupidents na nakikinig sa sinabi ko kaya ang bruha inis na inis na.

“A-anong mabaho ang hininga?” pagdedepensa niya sa sarili.

“Ano to paulit ulit? Yung totoo? Tanga ka?.Kanina mabaho at bruha ka lang, ngayon isa ka ng TANGANG BRUHA NA MABAHO ANG HININGA.” Hindi na siya nakasalita syempre maganda ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero bago ang lahat lumingon ako sa kanya dahil akmang magsasalita pa siya AT SYEMPRE “Oh? Aarte pa?” Mataray kong sabi sa kanya. PWE wala pala siya e.

Dahil wala ng babaeng lumpo na nakasagabal sa paglalakad kong MAGANDA! Nagpatuloy na ako. Grabe, walang sinabi si Tyra Banks sa akin.

Habang ang ganda padin ng lakad ko at nakanganga padin lahat ng stupidents sa akin, nakita ko naman na may teacher na naglalakad din at magkaharap kami. Kaya siguradong magkakabanggaan kami.

“Hala si Sir at Jade magkakasalubong.”

“Kaya nga sino kayang mag-gigive way sa kanila.”

“Pati nga principal naggigive way para kay Sir e.”

ABA kung akala nila ako ang mag-gigive way, NAGKAKAMALI SILA. Hindi ako takot sa nagmamataray na baklang teacher na yan. PWE

“Ang kapal ng mukhang mong humarang sa dadaanan ko!” Sabi ng matandang bakla.

“Mas makapal ang mukha mo sing kapal ng taba mo sa katawan.” Pagmamataray kong sagot. Lahat naman ng stupidents gulat na gulat sa ginawa ko.

“Bastos kang bata ka! How dare you talk to me like that!” Pulang pula naman yung pagmumukha niya dahil sa galit. Sorry nalang siya dahil sinapian ako ng kamalditahan ni Avah Chen ngayon. ;)

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon