ISLA

100 1 0
                                    

Niyaya akong makipyesta sa ISLA ng asawa ng aking pinsan.

Hindi ko inakala ang mga mangyayari sa amin sa isla.

Ako pala si rizel, 25 years old. 6 years ago ng maganap ang isang pangyayaring buong buhay kong hindi makakalimutan.

Six Years Ago..

Sinama ko ang tatlong barkada ko para makipyesta sa isla ng asawa ng pinsan ko.

Si Kris, Vin at ang nobya nitong si Iris.

Umaga palang ay nasa isang pantalan na kami para mag abang ng bangka sasakyan namin papuntang Isla. Hindi lang kami ang pasahero ng bangka.

"cel, mukhang matagal pa naman siguro ang byahe iidlip muna ako." sabi ni Kris sakin.

"Sige idlip ka muna gigising nalang kita pag malapit na." sabi ko naman.

Samantalang enjoy naman sina vin at iris mag picture taking sa mga tanawin na nadadaanan namin.

Habang tinitignan ko ang paligid, iyong mga tanawin at mga nadadaanan naming iba't ibang isla ay napansin ko ang isang lalaking nasa bandang dulo ng bangka, Nakakatitig ito kay Iris. Hindi ito basta napatingin lang. Nang mapansin ng lalaking nakatingin ako sa kanya agad niyang iniwas ang kanyang paningin kay iris at ibinaling sa iba ang kanyang tingin. Hindi ko nalang ito pinansin.

Tumigil ang bangka sa isang isla, napakaganda nito at wala akong masyadong nalikitang bahay, sinundo kami ng pinsan ko pumunta kami sa bahay nila. May kalakihan ito at nasa gilid ng bundok. Masukal ang paligid. Dinala niya kami sa isang bakanteng Kwarto. Sakto ito dahil dalawa at malalaki ang bedrooms.

Napansin ko ang bintana, wala ako masyadong makita dahil masyadong matataas ang halaman pero nakita ko nanaman ang isang misteryosong lalaking nakatitig kay iris nakatingin ito sa direksyon namin. Matangkad ito,moreno at Kasing edad lang siguro namin.

Pero bakit niya tinititigan si iris? Bakit niya kami sinusundan? Anong pakay niya samin?

Mga tanung sa utak ko. Bigla na akong kinabahan pero hindi ko talaga alam ang pakay niya sa amin.

A/N
Nag eenjoy ba kayo?
Haha leave comment or just vote! Thankyou for reading :)

Pero sino kaya ang misteryosong lalaki?

Take note!
It's a true story guys!
Pero hindi ito story ko. Credit ko ito sa mga taong malalapit sakin :)

Katakutan Ang KaranasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon