4 PM.
Kumain kami kasama ng Asawa ng Pinsan ko at mga anak nila. Pinakilala ko sila Iris, Kris at Vin.
"Buti naman at sinama mo ang mga kaibigan mo cel, si ate mo kasi hindi ka masyado mamasikaso kasi bibantayan ang bunso namin." sabi ng pinsan ko na si Kit.
"Ang ganda nga ho dito sa lugar niyo! Buti nalang sinama kami nitong si Rizel!" sabad naman ni Vin sa pinsan ko.
"nako basta mag enjoy kayo dito. Mamaya pala may sayawan sa plaza gusto niyo pumunta?" tanung naman ng asawa ng pinsan ko na si ate bem.
"Hindi po namin alam kung paano pumunta dun eh." sabi ko naman.
"Papasamahan ko kayo sa dalawang kapatid ko pupunta din sila dun papasabay ko nalang sila sa inyo." sabi ni ate jen asawa ng pinsan ko.
"Ay sigr po ate, thankyou po." sabi ko.
"nako walang anuman basta mag iingat kayo ha, lalo na at gabi pa." sabi ni ate.
"Oho mag iingat po kami." sabi ni Vin
Matapos kaming kumain ay nag ayos kami ng mga gamit namin at nag handa dahil tutungo kami dun sa Plaza para manuod ng sayawan.
7pm.
Tinawag kami ni kuya ang pinsan ko, Aalis na kami papuntang Plaza kasama namin ang dalawang kapatid ni ate jen sila Benjo at Carlo.
Habang naglalakad kami napansin ko na walang masyadong bahay ang dinadaanan namin puro matataas na puno na niyog ang dadaanan namin. Madilim ang paligid tanging buwan ang nag sisilbing ilawan namin sa dadaanan namin. May natatanaw akong sa malayo na bahay pero masyadong malayo ito. May tulay din kaming nadaanan hindi ito mahaba at sementado din ito.
Nasa unahan ang magkasingtahan sa si Vin at iris, kasama ko naman na naglalakad sa likuran sila benjo, carlo at kris nag kukwentuhan.
Bilog na bilog ang buwan at tahimik ang paligid tanging ihip ng hangin at huni ng mga insekto ang maririnig mo.
A/N
Next chapter po exciting naaaa :) please read.
BINABASA MO ANG
Katakutan Ang Karanasan
HorrorHorror stories - Ito po ay Karanasan sa totoong Buhay. Hindi po ito gawa gawa ko lang, Gusto ko lamang ibahagi ang iilang karanasan ng aking Mga kaibigan.