"Congratulations Eriese. Ikaw pinaka mataas sa Science for this first quarter." Grabe nagulat ako! Science? Eh sabagay Earth science pa lang naman. Dun lang naman ako medyo may kaya eh.
Pero ako!? Nataasan ko yung top 1 namin? Nataasan ko yung too 1 namin na gusto maging scientist!? Grabe siguro yung ginawa kong pagkopya? Hahahaha.
Nagtinginan yung mga kaklase ko sakin. Oh yeah, eto nanaman. Yung pakiramdam na para kang kriminal. Yung lahat ng mga mata naka tingin lang sakin! And that is one the most irritating things for me.
"Weh sir!? Si Eriese?" Tukso naman sakin ni Christian- na kaibigan ko din na medyo silahis or silahis or.. natuluyan na talaga
"Oh ipakita ko pa yung mga tests, quiz, seatworks saka homeworks nya eh!" Cool talaga yung teacher namin.
As in lahat. Puro bata pa kasi. Either kakatapos lang nila this year or last year.
Pwede nga makipagtext sakanila eh. Yeah cool! Cool teachers! Really.
"That's it for today. Goodbye Grade 9."
"Goodbye Sir Marvin."
Pagkagoodbye nga na pagkagoodbye ni Sir, dumeretso na kami ni Cha sa bahay namin. Magka-street lang naman kami kaya parati kaming sabay umuwi at pumasok.
Naging kaklase ko din si Cha nung kinder kami. Kinukwento pa nga nya na minsan daw nagkukulay kami ng heart, black daw pinangkulay ko tapos sinita nya ako, ako namang baliw umiyak! Hahaha. Hindi ko na nga yun maalala eh.
"Nga pala.. Eriese, diba naging kayo ni Nath?" Nagulat naman ako sa tanong nya.
"Throwback na ba ito? Hahaha. Yep why? Pano mo pala nasabi? Eh di naman na ulit tayo naging close kahit magkalapit bahay tayo?" Taka kong tanong sakanya.
"You know.. chismis everywhere." Tawa nya pa sakin. Abnormal talaga sya.
"Ganun na ba ako ka-dyosa noon pa man? Kasi ang pagkaka-alam ko cute lang ako dati or maganda siguro? Tas ngayon dyosa na. Hays. Ewan ko ba?" Proud ko pang sabi sakanya. At lalo ko din in-emphasize yung salitang 'dyosa'.
Sinamaan agad ako ng tingin ni Cha. Hahaha, sabi na eh ganito magiging reaksiyon neto eh.
"Nakakain ka ba!? O nag-aadik ka!?" Sabay kaming tumawa sa sinabi nya.
Ang lakas din naman pala talaga ng guts ko no?