Only Reminds me of You

2.5K 60 4
                                    

You're on my mind all the time. And every time I see something or go some place that reminds me of you, I miss you even more.


CHAPTER FOURTHY SEVEN

Simula ng malaman ni Alexis na nagpakasal si Cara kay Jerome habang nakakulong siya ay nawalan na ng direksyon ang buhay niya. Alak ang naging takbuhan niya. Pero kahit anong gawin niyang pagpapakalunod sa alak ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang dating asawa at ang kanyang mga anak. Sobrang sakit ang naramdaman niya, mas masakit pa sa unang ginawang pag-iwan sa kanya ng asawa niya. Minsan na siya nitong iniwan pero parang hindi pa rin siya masanay na lagi lang nitong iniiwan. Siguro nga tama si Sandra binalikan lang siya ni Cara para paghigantihan sa ginawa niyang pagtataksil dito, ginantihan siya nito sa pagkakaron ng anak sa kanya. Pag ganti na mas masakit at sagad sa buto.

Walang kasing sakit ang naramdaman niya ng makita niya sa pahayagan ang masayang mukha nito habang ikinakasal. Ang masayang wedding picture nito with Jerome. Shit para siyang sinaksak ng paulit-ulit. Parang mas gusto niyang nabulok nalang siya sa loob ng kulungan kaysa ang makita at malamang ikinasal na ito sa iba.

Hindi pa man nagtatagal ang pagkakawalang bisa sa kasal nila ay nagpakasal na agad ito sa iba at tinangay pa nito ang mga anak nila kung saang lupalop man ang mga ito nagpunta. Kayang kaya niya sanang sundan at hanapin ang mga ito saan man ito naroroon pero para saan pa. Kasal na ito sa iba at kahit anong gawin niya wala na siyang habol at karapatan dito.

Shit Alexis! what are you doing to yourself! lasing ka nanaman! tungayaw sa kanya ni Sandra na ni minsan ay hindi siya iniwan at laging umaalalay sa kanya.

Pwede ba Sandra wag mo akong pakialaman! get lost! umalis ka na rin sa buhay ko! sanay naman ako ng iniiwan eh. Dont act na concerned ka sa akin at sa nararamdaman ko dahil ikaw mismo iniwan mo ako dati at ipinagpalit sa pangarap mo!

Alexis bata pa ako nun! I'm only fifteen that time, my life still depends on my parents decision during that time. Pero alam mo ba kahit minsan hindi kita nakalimutan. Alexis minahal kita noon at mahal pa rin kita hanggang ngayon! Alexis please give our love story a chance. Alexis you need to move on with your life! kailangan mong tanggapin na wala na si Cara na nagpakasal na siya sa iba na kahit kailan hindi na pwedeng maging kayo. Pero ako Alexis andito pa rin ako na nagmamahal sayo, Alexis andito pa kami ni Carlos bakit mo sinisira ang buhay mo gayong nandito pa kami ni Carlos ng anak mo! Umiiyak na si Sandra habang nagsasalita at nagsusumamo sa kanya. Alexis please ibalik mo ang dating ikaw, gusto kong makitang muli ang dating Alexis kahit na hindi para sa akin kahit para kay Carlos nalang! Alexis kailangan ka ng anak natin Alam mo ba na isinugod si Carlos kanina sa hospital, sa puntong yon ay humagulhol na si Sandra, Carlos is in the hospital Alexis fighting for his life pero ikaw nasaan ka! nagpapakalunod sa alak!

Para namang biglang nahingawan si Alexis ng marinig mula kay Sandra na nasa hospital si Carlos.

Bakit anong nangyari kay Carlos? Anong nangyari sa anak ko Sandra?

Alexis may dengue si Carlos and thanks God may isang taong nagdonate agad ng dugo sa kanya, sabi ng doktor kung hindi daw naagapan ang pagdala kay Carlos sa hospital malamang na mamatay siya.

I'm so sorry Sandra! I didn't know! don't ever think na wala akong pakialam kay Carlos dahil mahal ko siya! mahal na mahal! mahal ko ang anak ko!

kung talagang mahal mo ang anak natin! ayusin mo ang buhay mo Alexis! ayaw kong makita ka niyang ganyan!

Dahil sa nangyari sa anak ay biglang natauhan si Alexis. Pinilit niyang mag move on na at tuluyan ng kalimutan si Cara kahit na sobrang hirap gawin dahil kahit minsan ay hindi mawaglit si Cara sa isip niya. Every where he go memories of Cara still haunts him, specially every night where he was alone.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon