Chapter 36-Past revealed.

93 2 0
                                    

*****

Halos 2 weeks na din kami dito sa palawan. Yea, ang layo no? Haha, mabuti na din to para hindi kami mahanap ni papa. Ibang-iba talaga si kenn ngayon.. Kung last week sobrang sweet at halos ayaw ng humiwalay sakin ngayon naman 3 days ng hindi umuuwi.. Pero nagte-text naman siya, puro alibis nga lang.. Nalulungkot nga ako eh.. Napapansin ko kasing lagi na siyang walang oras sakin ngayon.. Hayy.. Makapaglakad na nga lang muna sa beach. Sinuot ko yung jacket ko at nagtungo sa beach.

Wala ding tao ngayon kase pagabi na din. Lumingon ako sa likod ko dahil may naramdaman akong nakatingin sakin. Hmm... Wala lang siguro yon. Ewan ko ba pero naisip kong mag-reminisce ngayon.. Naalala ko pa dati sa baril at clubbing lang umiikot ang buhay ko, pero nung dumating si kenn nagbago na ang lahat. Pinaramdam niya sakin na ang isang katulad ko ay may karapatan ding maging masaya.. That time kasi puro paghihiganti ang nasa utak ko kaso nung  mahalin ko siya nabura lahat ng galit na kinikimkim ko.. Balewala na sakin ang paghihiganti ngayon. May tamang oras naman siguro para malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa mga magulang ko..

"Sister!!!" si bee ba yun? Lumingon ako sa likod at siya nga! Tumakbo din ako palapit sa kanya at niyakap siya. How I missed this retard ^_^

"Bee, kelan kapa dumating?" 

"Kasabay niyo kaya ako dumating dito." Huh? 

"Eh bakit hindi ka nagpaparamdam?"

"Gusto ka daw kasing ma-solo ni fafa kenn kaya hindi muna ako nang-abala ^_^" hindi na nga din nagpaparamdam eh -___-

"Oh sis. Bakit lumukot yang mukha mo?" sabi ni bee

"3 days na kasi siyang hindi umuuwi eh.. Kung magte-text minsan lang.." 

"Ay nako sister! Wag mo ng isipin yan. Tara! Aayusan kita!" hinila niya ako pabalik sa resthouse. Aayusan para saan??

"Para saan ba kasi to bee?" naka-ilang tanong na ko pero hindi siya sumasagot.

Inayusan niya ako ng buhok at pinag-bihis ng floral dress na black & white na may cardigan. Ano ba kasing meron? -_-"

Pagkatapos tinulak niya ako sa loob ng isang limo at umandar na to. Teka! Ba't niya ako iniwan?? Hala! Baka mamaya binenta na pala ako ni bee sa isang intsik para dawing sex slave! Kaya niya siguro ako binihisan ng ganito O______O

Naramdaman ko namang parang huminto yung limo at bumukas yung pinto. 

"Nandito na po tayo mam." may mukhang butler na nagbukas ng pinto.

"Nasaan ba tayo?" bumaba na ako ng limo. wala talaga akong idea kung anong nangyayari ngayun ?___?

"Nawala naman yung manong sa likod ko at biglang umandar yung limousine. Hala! Iniwan ako! >__<

Nilibot ko ng tingin yung lugar pero puro puno lang ang nakikita ko. Madilim na din at tahimik. To be exact nakatayo ako sa gitna ng kalsada. Waaaaaaaaaaah! Baka mamaya may pagala-galang halimaw dito tapos kainin ako >.<

Bigla namang may nag-ilaw na lamp sa harapan ko.. at may sumunod pa at marami pang nag-ilaw kaya sinundan ko yung mga lamp na umilaw hanggang sa dalhin ako neto sa gitna ng gubat.. May nag-ilaw naman na mga lamp na nakasabit sa isang puno at sa ilalim ng puno nakatayo siya.. Ang lalaking mahal ko..

Lumapit ako sa kanya.

"Did you like it?" I nodded at niyakap ko siya. Na-miss ko talaga to. 

Naupo na kami dun sa blanket na nilatag niya sa damuhan at meron pang mga unan. Para kaming nagpi-picnic sa gabi ^_^ Ang romantic ng lugar dahil sobrang tahimik din.

Guns & Roses &gt;COMPLETED&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon