Feeling Trapped

128 7 2
                                    

May mga bagay na kahit gaano pa natin kagusto, hindi natin makukuha....

Nandito ako sa HS department kung saan nag-aaral ako ngayon. College student na ako sa school na ito pero dito din ako nag aral ng high school. Pero kahit nandito lang ako sa school na ito, it's been years since I visited this department. Lahat ng memories bumabalik habang nililibot ko ang buong high school department. Yung mga assignments na sobrang hihirap at sobrang dadami. Yung mga projects na talagang aabutin ka ng umaga sa paggagawa. Yung mga terror at mababait na teacher. Lahat ng mga bad at good memories ay bumabalik sa ala ala ko.

Habang naglalakad, napansin ko na nasa harapan na ako ng room ko noong fourth year. Naalala na naman kita...

You're my greatest enemy and I don't know why we became friends to the point that you said I was your bestfriend. But I refuse. Because I don't believe in the word bestfriend.

How I wish na sana naging enemy na lang kita forever para hindi ko naranasan to diba? Pero hindi eh. Fate was really playfull. Habang enjoy na enjoy ako sa pakikipag away sa iyo to the point na minsan nagkakaiyakan na tayo sa sobrang inis sa isa't isa, doon naging mas matatag ang FRIENDSHIP natin. Yeah right! Friends! Friends lang tayo kahit palagi mo akong binaBACK HUG. Kahit lagi mo akong kinukurot sa pisnge in a gentle way. Kahit lagi tayong magkatext at magkatawagan everyday and everynight na nakakatulugan na natin ang isa't isa. Kahit na ang sweet sweet ng endearment natin sa isa't isa. Sa sobrang sweet kapag iniisip ko napapa ASIM KILIG ako. Kahit pa brother-in-law ang tawag mo sa mga kapatid ko. Kahit napakapaFALL mo! Kahit hulog na hulog na ako.Yeah! Friends lang talaga tayo.

That time, hindi ako masaya na FRIENDS lang tayo. Nung time na nagka girlfriend ka, sobrang nakakalungkot. Sa sobrang lungkot ko, lahat ng hinaing ko para sayo ginawa kong GM at pinasa sayo. SAYO lang. Akala mo ibang tao yun. Sana nga ibang tao na lang yun. Pero hindi eh. Kasi ikaw lahat yun.

Nabawasan ang communication natin sa isa't isa. No more call and texts at night. Masaya na ako kapag napadaanan mo ako ng Goodmorning mo. I was hurt because of that but then I realized, I am just your friend. I'm JUST A FRIEND.

You change a big part in my life. I've change a lot. When I am having problems with my family, you're there to counsel me. Palagi mo akong pinagsasabihan at pinapangaralan. I'm a rebel daughter but because of your help I became a good girl. I guess? Thankful pa din ako na kahit nabawasan ang communication natin, kapag alam mong may problema ako nandyan ka. For the nth time, I fall. I fall all over again. But not like my problems, you're not there. You're not there to catch me.

I really want to tell you what I feel. I really do. I don't want to ruin any relationship. I just want to know kung kahit konti meron. Pero nung sinabi mo na HINDING HINDING HINDING HINDI ka magkakagusto sa akin, i stop. Akala ko kahit konti meron. Mali pala. Lahat ng naramdaman ko mali. Sadyang nag assume lang siguro ako na something was special when the fact is that nothing is really special. Simula noon tinanggap ko na na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan. Naalala ko, tinanong mo ako kung anong pangalan nung lalaking nagugustuhan ko. Ayaw kong sabibin sayo diba? Tapos bigla mong itatanong kung IKAW ba yung lalaking tinutukoy ko? I just kept on denying. Hindi ko sinabi. Bakit? Kung sasabihin ko ba may mababago? Wala naman diba? I know that I'll be rejected so what's the point of saying my feelings. Tsaka baka layuan mo ako. Para tayong asymptote. Kahit gaano ang pagtry kong lumapit sayo hindi hinding hindi tayo magkakalapit. Naging masaya na ako na friends lang tayo.

Nung time na nagkaroon kayo ng away ng GF niyo. Ako pa ang ginawa niyong kupida! Ang saya diba? Pero tinulungan ko kayo. Magbebreak na dapat kayo pero hindi natuloy. DAPAT LANG! Nasaktan ako! Nagparaya ako! Para saan? Para sa break up niyo? No way High way!

You became my inspiration in everything that I've done. Kahit pa sabihin na nagparaya na ako, IKAW pa rin. When I was about to give up playing that instrument, pinaalala mo sa akin kung ano ang purpose kung bakit ko ginawa yun. Siguro yun yung last memories natin. Yun yung last na pag uusap natin ng matino at matagal. After that wala na tayong communication. Yun yung time na ibinaling ko ang attention ko sa mga crush crush lang. Isa at kalahating taon din yun. Hindi kita inisip nung mga panahon na yon. Nakalimutan kita. Oo nakalimutan na kita. Pero akala lang pala yun.

Nung nakita kita sobrang naHurt ako. You ignored me. Noon akala ko na hurt lang ako kasi hindi mo ako pinansin. FRIENDS tayo diba? But someone made me realized that it was more than that.

I don't entertain suitors. I always tell them that I am still young and I want to study first pero sino ang niloko ko? I don't entertain them because I want it to be you. And that is quite impossible. Naghohold on pa din ako sa feelings ko. Umaasa pa din ako kahit wala na talagang pag asa. Para kang lindol alam mo ba yun? Niyanig mo ang buhay ko! Inaway away mo ako pero pagkatapos noon naging peacefull naman tayo not knowing na may aftershock pala. Hindi ako handa sa aftershock. Sobrang nayaning ang buong utak ko to the point na ikaw lang ang laging laman nito. Kaya nagdecide na ako to let go.

This time! I will not try to forget what I feel for you. I will not try to let go of this feeling. I will not try to move on. I'm gonna do it. I don't want to be trap anymore. Like what you always say "God has better plans for you" & "Always pray".

Ang sabi nga doon sa kanta. "You don't need to rush love, slowdown. When you meet him you'll know why. God has the perfect one that was made for you design to worship. God and he will see your beauty and true purpose. So trust the process it's worth it."

♪I know that God see what I don't see so I'll be just a friend. I'll be just a friend.
I know that I will be happy even if I'm just a friend. I'll be just a friend.♪

May mga bagay na kahit gaano pa natin kagusto, hindi natin makukuha. Bakit? Kasi hindi ito ang nakalaan para sa atin. May mga taong dadaan lang sa buhay natin na parang bagyo. Pero pagkatapos natin masalanta hindi naman tayo magmumokmok lang diba? Mas lalo tayong naging matibay para umangat ulit. Parang isang jeep. Dadadaan yan sa atin basta basta. Nasa atin ang choice kung sasakay tayo o hindi diba? Pero dadating ang time na kailangan na nating bumaba. Hindi pwedeng habang buhay nakasakay tayo sa jeep. Kasi minsan kailangan na nating umalis sa buhay ng isang tao kasi hindi ka na nila kailangan. Masakit man. Accept it! It's the reality and not the tales you read on book. Don't compare it to your life. Your life was written by God and not by a writer. May mga pagkakataon na hindi natin mapipigilang magkasugat, pero hindi naman tayo iiyak lang diba? Iiyak tayo but after that we will find a way how to cure it. We will not be forever in pain.

Katulad nga nung sinabi na "There's a rainbow after the rain." After ng ulan, kahit gaano pa yan mapangpuksa may rainbow after that.

Parang hayop sa zoo. Hindi forever nasa cage sila. Kailangan din nila maranasan what is life in the wild. Pero after nilang makalaya dadating ang time na kailangan na ulit nilang ipasok sa cage.

I know that the time will come that I will not be trapped anymore. And by that time, I know I am ready to be trap with someone who's willing to be trap with me forever.

A/N: dun sa pinagdedicatan ko nito!! Sana ay mabasa mo ito hahaha! Isa ka sa inspirasyon ko sa pagsusulat nito. Na mention ka nga dito :P

Kung may makakabasa man nito??? Salamat ng marami!!!! Sana support niyo din yung iba kong story kahit medyo waley yung mga yun.. Love you all!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon