Chapter 25 - Moody

30 2 0
                                    

Nandito ako sa library ngayon. Hindi para mag-aral kundi para matulog. Ilang araw na rin kasi akong puyat. Hindi kasi ako makatulog. Lagi ko kasi siyang naiisip. Ewan ko ba, pero lagi siyang tumatakbo sa utak ko. Halos isulat ko na nga ang pangalan niya sa quiz namin kanina.

Nakaupo ako dito sa pinakadulong bookshelf. Sigurado akong walang makakakita sa'kin dito. Iidlip lang ako saglit. Power nap lang po. Hindi kasi ako masyado nakatulog kagabi hindi dahil sa pagrereview kundi alam niyo na, kakaisip kay Armalite girl.

"Aray!", ang sigaw ko nang nakaramdam ako ng kirot sa'king mukha.

Nagulat ako nang makita ko si Armalite girl na nasa harapan ko. Panaginip ba'to? Bakit siya nandito? Kinusot ko ang aking mga mata. Pinisil pisil ko ang aking mga pisngi pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Hindi 'to panaginip. Hindi talaga.

"Hoy Taba! Ako 'to si Beatriz! Pambihira ka naman oh! Bakit ka nandito sa pwesto ko? Kanina ko pa pinipitik 'yang ilong mo ngayon ka lang nagising! Tingnan mo nga namumula na oh!"

Kaagad akong tumayo at nagmadaling lumayo sa kanya. Nakakahiya talaga! Baka narinig pa niya kung gaano ako kalakas humilik.

"Hoy Taba! Bumalik ka dito?", ang tawag niya sa'kin.

Ang ingay talaga nitong Armalite girl na'to. Hindi ba niya alam na nasa library kami. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante. Sinenyasan ko siya na huwag siyang maingay.

"E kung hindi ka umalis. Hindi sana 'ko nag-ingay.", ang sisi pa niya sa'kin.

"E diba matutulog ka? Kaya aalis na'ko. Lipat na lang ako ng pwesto."

"Hoy Taba! Ang drama mo huh! Anong akala mo sa'kin? Pumupunta lang sa library para matulog? 'Wag mo'kong itulad sa'yo na kahit hindi na mag-aral at natutulog na lang."

"Ah akala ko kasi matutulog ka rin. So dito ka ba pumwepesto 'pag mag-aaral ka?"

"Oo. 'Pag wala ako sa classroom o kaya sa field; nandito ako. Nagbabasa-basa kahit walang pumapasok sa utak ko hanggang sa makatulog na lang."

"Ah I see. Teka. So you mean nagpeprepare ka na para sa periodical exam natin?", ang tanong ko sa kanya nang mapansin kong medyo madami ang hiniram niyang libro.

"Oo eh. Mukhang tagilid ako sa mga long quiz natin kanina. Kaya ngayon pa lang dapat umpisahan ko ng magreview."

"Ah I see. That's a good idea. Do you need help?"

"Naku! Hindi na kailangan. Marunong naman ako magbasa."

"Sigurado ka? Ayaw mo talaga? Ikaw bahala ka."

"Sows. Maliit na bagay. Hindi lang ako nakapag-aral kagabi kaya wala akong nasagot sa quiz pero makapagbasa lang ako, makikita mo papasa 'ko."

"Ok sabi mo eh. Sige una na'ko huh.", ang paalam ko sa kanya.

Talaga naman 'tong si Armalite girl tinanggihan ang alok ko. Hindi lang niya alam na tuwing sasapit ang exam eh maraming babae ang lumalapit sa'kin. Oo tama. Everytime na may exam kami, dinadayo ako ng mga lower section para magpatutor. Kaya by tomorrow, asahan niyo marami akong chicks, este, food pala. Hindi kasi ako tumatanggap ng pera kaya naman as talent fee, sandamakmak na pagkain ang narereceive ko at kapag nakapasa sila sa exams, may pahabol pa. Usually, weekend ang schedule ng tutorial class ko pero 2 days before weekend, marami ng nagpapalista. Next week na kasi ang periodical exam namin.

"Hoy Taba! Alam mo ba kung bakit madaming estudyante sa labas?", ang tanong sa'kin ni Armalite girl habang iningunguso ang mga estudyante na nakadungaw sa pinto.

"Ah sila ba? Don't mind them. Makinig ka muna kay Sir kasama sa exam 'yang tinuturo niya."

"Ang sungit mo naman. Curios lang naman noh!"

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon