Aw ang sakit ng ulo ko. Pagtayo ko sa kama para akong matutumba, pumasok na ako sa bathroom at binuksan yung shower. Tapos na ako at nagbihis na ,bumaba na ako sa kitchen para kumain.
"Are you okay Crystal?" -Sam
"Ang tamlay mo ngayon bro" -Louie
"Ayos ka lang ba? Gusto mo wag ka ng pumasok" -Caitlyn
"Ayos lang ako, papasok ako di ako pwedeng umabsent" -Me
Natapos na kami kumain, sumakay na kami sa kanya kanyang car at pumunta na ng school, mabagal lang ako magdrive kasi masama pakiramdam ko. Malapit na ako sa pagpa-parkan ko.
"AY PUSA KANG BAKULAW!!!" -Me
Sigaw ko, paano ba naman kasi tong pusa na to muntik ko ng mabangga, nagdrive ulit ako. Nakapagpark na ako.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko kapag tumutingin ako sa sahig umiikot, arghhh ang sakit ng ulo ko talaga ngayon.
Nakarating na ako sa school, habang naglalakad ako sa hallway may umakbay saking dalawang tao.
"Good morning Crystal" -Kathryn
"Hi, muming" -Nathan
Nakapout pa si Nathan nung sinabi nya yun.
"Morning din, pwede ba wag nyo na ako akbayan? Ang bigat nyo kaya nuh" -Me
Tinanggal na nila yung kamay nila na nakaakbay sakin, pagdating namin sa room umupo ako kaagad at niyuko yung ulo. Maya maya may narinig akong nagsalita pero di ko na yun pinansin.
"Ehem, excuse me, anong nangyari sa kaibigan nyo?" -?
"A-ano kasi.... d-di na-namin alam eh" -Kathryn
Tinaas ko yung ulo ko, sila Caitlyn pala. Sabi ko sa kanila eh wag sila lalapit sakin, mahahalata kasi lalo na yang si Louie minsan nadudulas yung dila.
"Hi" -Sam
Sabay kaway nya sakin. Tumakbo naman si Louie papalapit sakin tas inakbayan ako.
"Hey best fr....." -Louie
Hindi nya natuloy yung sasabihin kasi nilagay ko yung hintuturo ko sa labi nya, alam ko na kasi sasabihin nun HEY BEST FRIEND GOOD MORNING yun yung sasabihin nya malamang.
"Uupo na kami bye" -Caitlyn
Hinila ni Caitlyn si Louie sigurado papagalitan sya ni Caitlyn ngayon, pero si Sam di parin umaalis sinamaan ko na lang sya ng tingin, aalis na sana sya kaya lang.
"W-wait Sam, uhmmm ba-bat di ko nakikita si Devil'A?" -Kathryn
"Ganun ba kasi ano... eh uhmm" -Sam
Buti nalang biglang pumasok si sir kaya umupo na si Sam, thank you sir hehehehe.
Buong magdamag akong matamlay, masakit pa ulo ko. Last subject na namin History boring naman, may sinulat si ma'am sa white board, kopyahin daw kaya kinopya ko.
Criiiiiiiiiiiiiiiing!!!'
Di ko pa tapos yung pinapasulat, mabagal kasi ako ngayon magsulat dahil masama pakiramdam ko, nakauwi na silang lahat pati yung mga bestfriends ko, sinabi ko narin kanila Nathan at Kathryn na mauna na sila.
Tapos na akong magsulat, tumigil ako saglit sa may hallway para itext sila Caitlyn.
'Sam, Louie at Caitlyn maya2x na muna ako uuwi hah, wait nyo na lng me'
'SEND'
Nakakapagod kasi maglakad kaya pumunta muna ako sa music room para magpahinga, unti pa nga lang nilalakad ko hingal na hingal na ako. Umupo ako sa may harap ng stage. Kinuha ko yung phone ko, nagpatugtog ako ng song ng banda namin, nakakarelax naman. Pinikit ko yung mga mata ko.
"Fan ka pala ng Black Angels hah" -?
Minulat ko yung mata ko para tingnan yung nagsalita.
"Sino ka?" -Me
Di ko kasi maaninag yung mukha kasi nasasulok sya tas madilim pa. Lumapit sya sakin unti unti ko ng nakikita yung mukha nya.
"D-DARK?" -Me
Si Dark pala, tumayo na ako at lumabas na ng music room, nakakainis kasi eh.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ang bigat bigat ng ulo ko, halos matumba na ako. Malapit na ako sa pinag parkan ng car ko ng..... ng.....
Mawalan ako ng malay...
Kathryn's POV'
Last subject na namin, may pinasulat si ma'am samin pero naguwian na di parin tapos si Crystal tas ang tamlay nya pa, di kaya may sakit sya?
Sabi nya samin ni Nathan na mauna na kami sa pag uwi. Nasa bahay na ako ng maalala ko na naiwan ko yung notebook ko sa room kaya bumalik ako gamit yung bike ko.
Habang nagbabike ako may nadaanan akong tindera ng fish ball, bumuli muna ako kasi gutom na rin naman ako eh. Habang nakaupo ako sa bench nakita ko si Crystal na naglalakad.
"CRYSTAL!" -Me
Napasigaw ako kasi nahimatay si Crystal sa daan, pupuntahan ko na sana sya kaya lang may tumigil na car sa harapan nya, may bumaba na tatlong babae.
"Si.... sila...."
Yung Black Angels yun ah, saka bakit sila nandito?
Nilapitan ni Louie si Crystal.
"Bro gising! Bro sabi ko na nga ba may sakit ka eh" -Louie
"Arghhh! Sabi ko kasi wag ng pumasok eh" -Caitlyn
"Tara na iuwi na natin sya" -Sam
Nakakapagtaka lang, bakit parang mga best friends ni Crystal yung Black Angels? Saka yung mga nangyari nung nakaraan eh, nakakapagtaka lang hah.
Flash back!
First day ng school, nasa hallway din ako ng dumating ang Black Angels pero wala si Devil'A.
"Bakit wala si Devil'A? Sayang sya panaman idol ko" -Me
Oo idol ko si Devil'A at dahil wala sya hindi ko na pinansin yung tatlong babae (ang sama lang) pero may sumigaw na isang babae.
"I love you Caitlyn, Sam and Louie" -?
Napalingon ako, nagtaka ako kasi kinawayan sya ng tatlo samantala yung ibang fans hindi kinawayan.
Madalas ko pang napapansin na lagi silang nag ngingitian ng Black Angels.
Tas nung nagpakilala kami ni Nathan sa kanya kasi Transfer lang sya dito sa Royalties High Academy, nagpakilala sya pero ang nakakapagtaka may nasabi syang "dev".
Nung basang basa sya, hinatid namin sya palabas ng school, nadaanan namin yung Black Angels, hindi ko sila pinansin kasi ang idol ko lang naman dun ay si Devil'A.
Pero nagtaka ako ng napatigil si Crystal at tumingin sa direksyon ng Black Angels kaya napatingin din kami ni Nathan.
Nagtaka din ako ng biglang napatayo yung tatlo at parang gustong puntahan si Crystal, tumingin ako kay Crystal nakita ko syang umi-iling iling tas biglang ngumisi.
'End of flash back'
Ngayon nabuo na lahat lahat sa utak ko ang mga pangyayaring yun. Di kaya, di kaya sya si....
Devil'A yung idol ko?
TO BE CONTINUED...
A/N: hala ka Crystal mukhang may nakakaalam na ng secret mo. Sorry iniklian ko lang talaga ang part nato. ^-^
~sakakima_26
BINABASA MO ANG
The Nerd is a Rockstar
RomansaHi! I'm Crystal Lopez 14 yrs old and 2nd year highschool, the leader of the band named "Black Angels" mas kilala nila ako sa tawag na 'Devil'A' (means Devilish Angel) sawa na ako sa buhay na ganito, yung laging hinahabol ng mga Reporters, Media, Fan...