Natatandaan mo pa ba?

48 2 4
                                    

Natatandaan mo pa ba?

Nung una tayong mag-usap?

Nagsend ka ng personal message sa'kin.

Masungit ako at walang paki sa mundo pero dahil bored ako that time, pinansin kita.

Medyo makulit ka pa nga at ang dami dami mo pang sinasabi pero dahil doon, mas na-hook mo ang atensyon ko.

Nagkakilala tayo...

Nalaman ko ang pangalan mo.

At sinabi ko rin sa'yo ang pangalan ko.

Nagkamustahan...

Nagkausap tungkol sa kung saan kahit walang sense 'yung topic.

At kalaunan, pinutol ko na rin ang mensahe.

Pero alam mo ba, ilang araw lang...

Binuksan ko uli ang account ko at para ba akong may hinahanap.

...hindi ko mawari kung ano.

Pero nang mapatingin ako sa messages, napansin kong may panibagong mensahe mula sa'yo.

Napangiti ako ng konti.

Hindi ko alam kung bakit pero syempre pinatulan ko 'yung message mo.

Hanggang sa...humaba na ulit 'yung usapan.

Ayun, gan'on lang lagi.

At dumating ang time na nagkausap tayo tungkol sa lovelife.

Akalain mo ba namang parehas pala tayong single.

Hindi ko ma-explain pero para akong nabuhayan.

And after that, nasundan pa ng maraming beses ang pagpapalitan natin ng mensahe.

Hindi ko na mabilang.

Basta isang araw, alam na natin sa sarili natin na M.U na tayo.

Ang gulo pa nga natin mag-usap kasi tinatanong natin sa isat-isa kung anong meron sa'tin.

Pero ang nangyari, hanggang M.U lang tayo kasi mahirap din naman kung magkakaroon agad ng "tayo" kasi hindi pa naman tayo nagkikita sa personal.

Ang hirap naman kasi...long distance.

Pero kahit gan'on, masaya na akong nagkakausap tayo.

...kahit sa wattpad lang.

Pero bakit gan'on?

Ano ba talaga ang naging problema?

Dahil ba sa nawalan ako ng time, naglaho ka na agad?

Ang sakit.

Madadatnan ko na lang isang araw sa inbox ko, bigla ka na lang naglaho at may mahal na palang iba.

Nagkaproblema sa family namin at kailangang-kailangan pa naman kita noong mga panahong 'yun pero ano na?

Nasan ka na?

Sabagay...wala nga palang permanente sa mundo.

Siguro natripan mo lang ako.

Siguro bored ka lang kaya pinaasa mo ako.

Haayyy...

Wala lang sa'kin 'yun.

Sinaktan mo lang naman ako eh. Wala 'yun. Ayos lang talaga ako.

Pero sana wag mo naman akong kalimutan.

Wag mong kalimutan 'yung mga pagpapalitan natin ng sweet messages.

Kasi ako, tandang tanda ko pa lahat 'yun.

Eh ikaw?

Natatandaan mo pa?

Natatandaan mo pa ba nung sinabi mong mahal mo ako?

Natatandaan mo pa lahat ng 'yon?

Siguro hindi. Siguro wala na sa utak mo.

Pero ako, tandang-tanda ko pa.

Hindi ko makakalimutan lahat ng 'yon kahit saglit lang nangyari ang mga bagay na 'yon.

Hanggang ngayon...

...mahal na mahal pa rin kita. ♡

Natatandaan mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon