PROLOGUE:
Taray! first year highschool na ko. :) ibig sabihin dalaga na ko. JOKE!
nandito ko sa bago kong school at kasama ko si mama. freshmen pa lang ako at medyo ma ykalayuan yung school ko. natural fresh from elementary ako, so what do you expect from me? kasulukuyan naming hinahanap ni mama yung mga classmate ko noong grade six na dito din mag aaral. lima kami alam ko eh.
"SUNNY!" syempre nakita ko na siya. masyadong madaming tao kaya di naman agaw pansin kung isisigaw ko. at saka para na din di na siya umalis sa kinatatayuan niya.
"hi Tine!. :)" bati niya sakin.
"tumangkad ka ata lalo... samantalang ako hindi." nakilala kasi siya sa school namin dati na isa sa mga pinakamaliit. medyo weird nga kasi nag uusap kami. dati naman di kame close neto. siguro kasi no choice na kaming dalawa. XDD
"bakit hindi dito nag aral yung bestfriend mo?" tinanong ko siya habang naglalakad papunta sa may quadrangle kasi flag ceremony na.
"di kasi siya pumasa dito."
"ah. sayang naman."
"eh ikaw tine? yung bestfriend mo?" halatang di talaga kami close...
"wala akong bestfriend eh. ^___^" well, don't get me wrong. hindi naman ako loner. sadya friendly lang ako.chos masyado kasi akong madaming ka-close at kuntento na ko na kaibigan ko sila lahat. wala ng bestfriend bestfriend.
"ganun ba?" after ng usapan namin isang AWKWARD SILENCE ang nabuo. nalimutan ko, dakila nga palang shy girl ang kausap ko. panigurado nahiya na to magtanong. kaya after ng flag ceremony hanggang sa paghahanap ng room namin ako lang yung nagsasalita. taga comment lang siya kumbaga. yung simpleng oo, hindi,.. yun lang yung sagot niya. si mama naman, ayun nakikipagchikahan sa ibang mga magulang na nasa likod namen. pagkapasok namin sa bago naming room wala na rin naman sila.
SA LOOB NG CLASSROOM:
"Whooah.." -akooooo
"san tayo uupo? ang daming tao... at ang ingay pa" -sunny tingin tingin muna kami sa paligid at baka may bakante.
"AYUN!" sa may bintana may tatlong upuan na bakante kaya dun kami nagpunta. gusto ko maupo dun sa may bintan para nakikita ko yung mga taong nadaan kaya tumabi naman sakin si sunny bali yung next na upuan, bakante. so peaceful na kami kasi may upuan na kami.
"may nakaupo ba dito?" -unknown specie
"ah wala" -sunny
"paupo ah." so umupo nga si girl na parang lesbian ba to? pero maganda siya at maliit. :) siga nga lang gumalaw. maya maya, may pumunta ng teacher sa harap namin. isang lalaking tama lang ang itsura tapos medyo chubby. yung tipong pang gigigilan mo yung taba. XD
"good morning class"
"good morning sir" sabi naming lahat. may sinulat siyang pangalan sa board. Aljhon dela cruz daw ang pangalan niya. tapos nagsalita siya tungkol sa sarili niya.
"so, siguro kahit konti kilala niyo na ko. edi dapat kayo naman magpapakilala saken." napuno ng ingay yung classroom. "get 1/4 sheet of pad paper then isulat niyo yung pangalan niyo. tapos ipasa niyo dito sa harap. isa isa ko kayong tatawagin para magpakilala. tell everything that you want to say. likes, dislikes, information about yourself. basta kung anong gusto niyo. ok ba? siguro kaya naman yan ng three minutes." mas umingay at mas narinig yung tunog ng pinipilas na papel.
sabay kami ni sunny na nagpasa ng papel. after ng three minutes na madyo lumagpas pa, nagsimula na siya magtawag. ako? wala akong pake sa mga tinatawag. XD kinakabahan kasi ako magsalita sa harap.
"Ms. Kristine Allonah Manada?" huh? akoooooo? O.o
parang naging slowmotion lahat at nakatingin sila saken. yung paa ko nanginginig. OA na kung OA. eh di ko naman kilala tong mga to para maging confident ako sa harap nila diba? diba? kaka imagine ko di ko napansin nasa harap na ko. BOOM! this is it!
"Good Morning sa inyong lahat. ako po sa Kristine Allonah P, Manada 12 years old born on July 31, **** na nakatira sa blablablabla... ako po ay graduate sa -------------- elementary school bilang isang first honorable mention. yun lang po." sabay bow. :D hahahahahaha. madali lang pala. ang OA ko lang pala talaga kanina. mysterious pa ang peg ko kanina kasi di ako nagbanggit ng info.
yung buong araw ng first day ng school parang puro ganun kada subject teacher. yung unang teacher pala namin kanina siya yung adviser namin. then umuwi na kami. kasabay ko si sunny at saka yung tatlo pa naming classmate dati.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
hindi ko aakalain na yung first day of school na yun ang isa sa bubuo sa kung ano ang magiging ako sa future at kung anong mangyayari saken. hindi ko alam na yung classroom na yun, yung mismong school na yun at yung mga tao na nandun ang magpapabago saken at magmumulat sa kung anong meron sa buhay. :)