Chapter 1:
2 weeks na ding nakalipas simula nung naging freshmen ako. hmm, medyo nasasanay na din ako sa environment ko at madami na kong mga nakikilala. nakakatuwa nga eh. tuwing lunch, si Sunny pa din ang nakakasama kong kumain. minsan may mga nakakasabay kami pero madalas kami lang talaga. hindi na binago yung seating arrangement namin kaya tuwang tuwa siya kasi di na niya kailangang humugot ng lakas ng loob para makipagkilala. pero meron pa din kaming ilang mga subject na kailangan eh may seating arrangement. parang MATH...
"oy! pababa na daw si mam! lumipat na kayo ng upuan." Sigaw nung isa kong classmate. terror kasi yung teacher namin na yun. kailangan walang kalat, maayos ang upuan at lahat nasa proper seat/ kundi tatalakan ka lang nun. yung buong time niya manenermon lang tapos pag talagang galit siya, magpapa quiz kahit di naman siya nagturo. kaya nadala na kami sa kanya. lahat kami nagiging anghel sa klase niya.
"sige sunny lipat na ko ah" yung seating arrangement namen magulo. parang pinag rumble rumble niya lang kami. kaya medyo nalayo saken si sunny. katabi ko yung maharot naming kaklase. si DALE.
"dali tintin upo ka na!" :))))) -dale
ewan ko ba sa kanya kung san niya nahugot lahat ng active energy sa katawan niya. pero pag may klase tulog. o kaya di naman nakikinig.
"ang ingay mo dale. baka marinig ka ni mam"
"pababa pa lang naman eh. may assignment ba?"
"wala naman. pero may quiz."
"aw. di ako nagreview. pahiram ako ng libro mo tintin."
"bakit ba tintin? close ba kita?"
"aw? halos two weeks na tayong magkatabi di pa din tayo close. taray mo. meron ka ba?"
"ewan ko sayo."
ewan ko ba kung away to o hindi. ganito kami tuwing magkatabi. tamad yan eh. pero pinapahiram ko siya ng notes pag uwian kaya nakakahabol naman siya kahit papaano.
pag nagkaklase na si mam, katuladf ngayon, tahimik naman yan kasi tulog. minsan nagsasoundtrip pa. pasalamat siya nasa likod kami at di napapansin. habang nagdidiscuss si mam, nakikinig ako... siya kumakanta... pero di malakas. naaasar nga ko kasi di ko magets at di ko makuha yung equation. maya maya pinasak ni dale sa tenga ko yung isang earphones na siyang ikinagulat ko.
"anong ginagawa mo? kung gusto mong mahuli wag mo akong idamay."
"kanina pa kasi kita tinitignan, at mukhang hirap na hirap ka jan. nakabusangot ka kasi. haha" pabulong niyang sinabi. okaaaaaay. anong connect ng sinabi niya? "di mo gets? mas makakapagrelax ka kasi pag may music. ang ganda pa ng kanta."
now playing: With a smile by: ERASERHEADS
~Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.
"fan ka ng eraserheads?" -ako
"yeah. sort of. ikaw din?" -dale
"oo naman. favorite ko nga tong kanta na to eh."
Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.
di ko namalayan tapos na pala yung klase at nasagutan ko lahat ng equation.