***"Excited na ako sa bago mong section! Ikaw Melody? "
Lumingon ako sa kanyan pero Hindi ako sumagot pero ngumiti naman ako at ibinaling ang tingin sa daan.
Hayy...
Hindi ko alam kung anong meron sa bagong school na papasukan ko ngayon. Hindi ko alam kung magiging maganda ba o pagsisisihan ko ang desisyon ko na lumipat sa school na to.
Tama, lumipat lang ako dito kahit na graduating na ako, wala eh,mas gusto kong dito ako magtapos.
Inilibot ko yung paningin ko sa kabuuan ng napakalaking school na nasa harapan ko. Napangiti nalang ako sa galak na, dahil nakatungtung na din ako sa lugar nya. Kung saan magiging isa nalang ang mundong ginagalawan naming dalawa.
'Finally, nandito na din ako sa mundo mo..'
Hindi ko maintindihan pero, kinakabahan ako na baka magkasalubungan kami o kaya naman ay baka makita niya o kaya naman...
Tulad ng dati...Parang wala lang na hindi nya lang Ako nakita o wala lang sa kanya talaga ang presensya ko. Oo nga naman, wala lang talaga kase hindi naman nya ako kilala e. Hayyy.
Nakakalungkot.
Ginusto ko ang taong niminsan ay hindi ako ginustong tignan man lang o mapansin man lang. Pero ok lang yun, atleast ngayon makikita ko na sya dito palagi (sana) at, kung papalarin akong makita sya ngayong First day of school.
"Melody, doon ka sa AVR pupunta, nandoon kasi lahat ng mga transferee"
Ngumit ako sa kanya bilang sagot at tumungo na kami sa AVR.
At habang naglalakad kami ay napansin kung nakatingin sya sakin.
Magsasalita na sana ako kaso naunahan nya ako."Ba--"
"Melody, relax lang.. alam kung kinakabahan ka na baka magkita kayo o magkasalubong. Pero wag mo na muna syang isipin"
Ngumit sya kaya ngumiti din ako. Sya lang kase ang taong nakaka alam ng tunay kung pakay dito sa paaralan nila.
Tama, Sya ang naging daan ko para makapasok sa paaralan na to, kaya naman laki ng pasasalamat ko sa taong ito dahil kung hindi sa kanya e, hanggang tingin nanaman ako sa malayo at pagiging stalker nalang ako ngayon, pero ito na ako ngayon!
Lume-level up :) hihihiKaso biglang nawala yung ngiti ko sa sinabi nya.
"Kase, hindi ka din naman nya papansinin e. Hahaha"
Walang humpay na kakatawa nya na halos mawalan na sya ng hininga.
Sumagi sa isipan ko na'sana mawalan ka ng hininga, bruha ka'
Pero dahil sa mabait ako e,
Sumimangot nalang ako sa kanya at umirap. At matapos iyon ay na compose naman nya uli ang sarili nya."Pero, malay mo. Makakakita ka pa ng mas hihigit sa mr.almostforevercrush mo.." seryoso nyang saad sakin.
Kaya Napahinto ako sa sinabi nya.
Its either na maging totoo yun na mangyari or not. Base sa mga taong nakakasalubong ko dito ay may mga hitsura naman talaga na masasabi mong mabubusog ka na dahil mukha palang e, palung-palo na.Pero faithful ako sa taong mahal ko e.
A one sided love or must said na,Super sided love ni melody.
Nabulag na ata ako sa kanya ! Ay mali.
Binulag ko na talaga ang puso ko sa kanya. Siguro kung titignan nyo yung heart ko Puro sya.
Mula sa tissues mahanggang sa dugo ay sya pa din.
Kaya hindi ko din masyadong naappreciate yung mga hitsura nila kase alam kong mas gwapo pa din sya sa lahat ng lalaki dito. Kase
Sya lang naman ang Mr. CAMPUS ng school na to e.
BINABASA MO ANG
Chasing his heart
Teen FictionIsang simpleng babaing habol ng habol sa kanyang crush in almost 10 years ! mahahabol na kaya ito this years? oh she still chasing his heart?