@Bhea_Kristi47's POV
Dribbler
Natutulog ako sa kwarto ng Tita ko. Medyo home alone yung peg ko. Napakahimbing ng tulog ko pero hindi rin yun nagtagal kasi may narinig akong kalabog sa garahe namin. Yung parang may nagdi-dribble ng bola ng basketball.
Bale may tatlo kaming rooms na underground at dun ako natulog sa kwarto na katabi ng garahe so rinig na rinig ko ang kung anong ingay ang meron sa labas lalo na sa garahe.
Tumigil yung kalabog na nagmumula sa labas kaya natulog uli ako. Akala ko kasi yung anak yun ng yaya namin yun na pinadala para samahan ako kasi ako lang mag-isa sa bahay.
Maya-maya, may nag dribble na naman ng bola. Naiinis na ako kaya tumayo na ako at tiningnan ang garahe sa bintana. Pagkasilip ko, nakita ko ang bola na tumatalon-talon mag-isa.
Hindi ako natakot kasi alam kong napagtripan nanaman ako ni Denon. Yun yung ipinadala sa akin na anak ng yaya namin.
At dahil hindi na ulit ako inantok ay nanood nalang ako ng TV nang dumating si Denon na may dalang meryenda.
"Hoy! Ang ingay mo kanina ah!" Reklamo ko na ikinagulat niya.
"Ha?" Tanong niya na ikinataka ko.
"Diba nga dinribble mo yung bola kanina? Wag mo akong pagtitripan! Pag ako napuno sa'yo, baka comatose abutin mo!"
"Eh? Paano ako magbabasketball sa garahe kung pinatawag ako ng magulang mo na bilhan ka ng meryenda at eto ang unang beses na tumuntong ako sa bahay niyo tapos maglalaro agad ako ng basketball? Ang kapal naman ata ng mukha ko." Sagot niya na seryosong seryoso ang mukha.
Dun tumayo ang balahibo ko.
Eh kung hindi siya, sino yun? Na maliban sa aming dalawa e walang ng tao sa bahay nun.
Sana po ifeature niyo. Hihi. True story po to. I'm a big fan of your creativity. :)
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!