Main Character's POV
Nang huminto na ang kotseng sinasakyan namin ay sumandal ako sa balikat ng katabi kong nasa driver seat. Nang tumingala ako ay sinalubong ng labi niya ang labi ko. Napangiti ako bago siya hinalikan ng maayos. We do this all the time. We kiss alot inside his car. We never did the deed though. This guy is my boyfriend. He's also my classmate. He's Liam. Wait, are you thinking about the singer and member of the boy band - One direction? If yes, well he's not him. They had two similarities though. They're both popular and great at singing.
Nang lumayo kami sa isat'-isa ay parehas kaming hinihingal. Nakangiting sinandal niya ang noo sakin. "I love you, Ellexandréa Taylor." Napangiti ako nang sabihin niya ang buong pangalan ko.
"I love you too, Liam Smith."
He grinned making my heart flutter. He pecked my lips. "Come on, we can't be late."
I frowned when I remembered our first teacher. She's very strict when it comes to students being late. Sabay kaming naglakad papasok ng school ng magkahawak ang mga kamay.
Nasa hallway kami nang mapansin ko nanaman ang ginagawang pang-aasar ng mga babae kay Sam. Ngayong taon lang yan nagsimula. Nabuntis kasi siya kaya napagtitripan siya. Lagi siyang inaasar na pok-pok at malandi. Kung hindi yan iba pang masasakit na salita tulad ng Whore, slut, etc. Sa totoo lang mas matino pa nga si Sam kesa sa kanila, kasi siya hindi niya ikinailang nabuntis siya at iniwan, hindi niya rin ipinalaglag ang anak niya di tulad ng ginawa ng dalawang babaeng nasa harap niya ngayon at inaasar siya. How did I know that? I heard them talking at the girl's bathroom. I wasn't eavesdropping, hindi lang nila alam na may naiwan pang tao sa isang cubicle. They were stupid for not checking all the cubicles.
Hindi ko na nakayanan ang ginagawa nila kay Sam, binitawan ko ang kamay ni Liam para lumapit. Maglalakad na sana ko palapit nang pigilan ako ni Liam sa braso. "What're you doing? Hayaan mo na sila."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Hayaan? Alam mo namang mali yang ginagawa nila diba? kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon niya at binubully?"
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tinalikuran siya. "Andrea!" he called me, but I chose to ignore him. Nilapitan ko ang tatlong babaeng nangaasar sa hindi lumalabang si Sam. "Tigilan niyo nga si Sam! Ano bang ginawa niya sainyo?!"
"Ba't ka ba nangingialam?" sabi ng blonde ang buhok. Leader-leaderan ng tatlo yang si Nancy.
"Eh ano bang pakialam mo?!" I shouted, "Ikaw nga nangingialam ka sa buhay ng iba!"
"Ano pa bang kailangan mo samin Andrea? Naagaw mo na si Liam kay Nancy diba?" singit ng babaeng mababa kay Nancy.
"Anong inagaw? Kahit kelan hindi ako nang-agaw! Ang sabihin mo nananaginip ng gising yang si Nancy!" My hands turned into fists.
Nakita kong nainis si Nancy sa sinabi ko. Sasampalin niya na sana ako nang pigilan ni Liam ang kamay niya. "Tama na yan. Pare-parehas tayong malelate sa ginagawa nyo."
BINABASA MO ANG
Unforeseen Occurrence
Teen FictionHe made a mistake and he's willing to do everything to correct it.