Contentment

36 7 0
                                    

[CHOI JI WOO]
"Yeah, sige na. Papasok na ako." sabi ko pagkabalik namin sa bahay. Hinatid na niya ako samin dahil gabi na daw. Kailangan daw niya ng kasama kasi baka daw mahold up-an at patayin siya. Sabog talaga.

"Okay.. Pasok na." sabi niya sabay eye smile.

"E, ikaw? Di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Aaa, di na. Maglalatag na lang ako ng comforter dito." sabi niya sabay tapik sa tapat ng gate namin.

"Sira ulo ka talaga. Sige na, umuwi ka na sa inyo." sabi ko sabay taboy sa kanya palayo.

"Aantayin kitang makapasok. Silip ka sa bintana mo tsaka ako aalis."

"Dami mong alam.. Wag na. Wala kang pinagkaiba sa mga bida sa mga palabas." sabi ko pa.

"Okay, okay.. I quit.. Aalis na ako.." kunwaring frustrated na sabi niya. Ang pogi niya talaga.

"Okay, bye!" sabi ko sabay pasok sa loob ng gate. Sinara ko ang gate namin ng dahan-dahan. Malalagot ako sa mga kuya ko nito.

Nakahinga ako ng maluwang ng makitang nakasara na ang mga ilaw. Buti na lang. Tumingkayad ako at ala-ninjang umakyat papunta sa hagda——

"San ka galing?"

!!!

"Aaa.. Eee.. A-Ano.. Kasi.." napakamot-ulo ako. Nahuli pa o.

"Anong 'A-E-ANO-KASI'? San ka ba galing?" sabi ni Kuya Namjoon na nakaupo sa sofa habang naka-dikwatro habang hawak ang switch ng lampshade sa gilid niya.

"Sa park?"

"E? Bakit patanong?" sabi ni Kuya Jimin sa gilid niya habang hawak ang mangkok ng ramen.

"Kasi nakakatakot na kayo kasi ang dilim-dilim." sabi ko. "Bakit ba ganyan ang set-up niyo?"

"At wag mo ng pakialaman ang set-up namin ngayon.. Bakit gabi ka na?" sabi ni Kuya Suga na may hawak na kandila. Halos matawa ako sa kalokohan nilang tatlo.

Uhm. Nga pala. Mga kuya ko. Ganyan lang sila pero, mga kuya ko yan.

"Kasi may pinuntahan ako——"

"At sinong kasama mo?" sabi ni Kuya Namjoon.

"Si Hoseok. Boyfrie——"

"Sino si Hoseok?" Tanong ni Kuya Jimin.

"Boyfrie——"

"Aa. Kala namin boyfriend mo." Ano daw?!

"BOYFRIEND MO?!" sabay-sabay na sabi nila. Ayy, ngayon lang naprocess?

"Oo nga——"

"Kelan naging kayo?" sabi ni Kuya Jimin.

"Teka nga, teka nga! Pagsalitain nyo kasi muna ako!" Tumango naman agad silang tatlo.

"Ganto. Si Hoseok ang boyfriend ko. Kasama ko siya kanina sa park kasi may date kami. At late na akong umuwi kasi traffic. At naging kami, last 3 weeks ago."

"Bakit di mo agad sinabi?"

"Balak ko naman talaga sabihin sainyo kaso lang,"

[Flashback]

"Kuya Namjoon, may sasabihin ako—"

"Mamaya na, Ji Woo, pagod ako."
—————————————————————
"Kuya Jimin, may aamin ako sa'yo—"

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon