Chapter 10

10.8K 337 31
                                    

Chapter 10

"Weeeehhhh.... Di nga?.... Weeeeeh!!!" Exage na exage ang panlalaki ng mata ni Mina na halos lumuwa na ito.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko sa bahay namin ng mga magulang ko. Iniwan na namin   si Juaquin sa bago kong condo. Mabuti na lang at nabili ko iyon na fully furnished na. Itinuro ko na rin ang lahat ng bagay na kakailanganin nya. Nakakaloka lang talaga ang bilis ng processor nya sa utak at isang sabi ko lang, gets na nya! He can also figure things out by himself.

"Kelan ba naman ako nagsinungaling sa 'yo?"

"Ummm.. Teka lang.." Sandali syang nag-isip, nakaturo pa ang daliri nya sa utak nya. "Oo nga ano. May lahing santo pala yung utak mo ano? Pero baliw at kalahati ka e."

"Mina... I'm serious! I'm dead serious! Kaya pwede ba kahit ilang minuto lang, magseryoso ka naman?"

"OK fine... naniniwala na ako na hindi si Boss Rafael iyon. But I really can't imagine how you can pull this off." Sumalampak sya sa kama. " Ayan tuloy napapa-english ako! Ang sakit mo naman kasi sa bangs!"

"As much as possible naman ay iiiwas natin sya sa madlang people. Just in case lang naman na may makakilala sa kanya kapag nasa labas kami. "

"E papayag ba naman yung jowa mo?"

"JOWA ka dyan!"

"Ok... ayaw mo ng jowa... e di papa! O kung ayaw mo sa kanya, arborin ko na lang. Bagay din naman kami, maganda din naman ako." Nagkikikilig sa tuwa ang bruha! Naku! Kung hindi lang talaga babae ito kanila ko pa nahampas ang ulo nito!

"Seriously Mina. Maiintindihan naman siguro ni Juaquin kung bakit kailangan nyang magpanggap na sya si Rafael kapag may nakakilala sa kanya. Who would ever believe that he came from the past? At kung maniwala naman silang nakapagtime travel sya, pag-p-pyestahan naman sya."

"Kung sabagay, may punto ka. "

"Saka tatapusin ko na lang yung last project ko sa opisina, magsu-submit na ako ng resignation ko."

Napatanga si Mina.  " Huh! Ano?!"

"I have to. Para hindi maging komplikado para kay Juaquin. Kailangang makalayo kami sa Manila. "

"Oh my gosh.. You are so tinamaan na talaga ng kidlat! You're going to give up everything for him? Iiwanan mo na lang yung career na binuild-up mo? You love your work! "

Tinignan ko sya. "Oo.... Pero... mas Mahal ko sya e." And I mean it from the bottom of my heart. Tama si Mina, Tinamaan na nga siguro ako ng kidlat. Kaya ko na atang gawin ang lahat para lang sa kanya.

Natahimik din sya at parang nawala ang pangungulit. Bigla syang nagseryoso at tumabi sya sa akin.

"Friend..... Binibigay mo na naman ng buong buo ang puso mo. Paano kung bawiin sya ng buwan. Katulad ng sinabi mong nangyari sa 'yo, hindi ka nanatili sa panahon ni Juaquin. Paano kung bukas o sa makalawa ay maglaho na lang din sya na parang bula. Broken hearted ka na naman. At sa tingin ko sa 'yo ngayon, mas hulog na hulog ka. Baka mas matinding heartache ang maranasan mo."

"Hindi ko alam Mina. Ang alam ko lang ngayon, masaya ako na nagkita kaming muli.  I don't want to let him go and i would do anything to keep him."

"Andon na ako. Pero hindi mo naman kontrolado ang sitwasyon. " May punto sya doon. Pero iyon ang katotohanang ayaw kong tanggapin. "Magiging brutal ako sa 'yo a, pero kailangang ma-i-consider mo ito."

"Palagi ka namang brutal, what's new?"

"Well, iyan naman ang role ko bilang best friend mo. Ang may mag-untog ng ulo mo. Well Kat, have you ever considered the fact that both of you are really not meant to be?"

Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon