HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheCRUSH 9: 'Bulalakaw'
Hi! Therooftopprincess :)
Nag-iiyak pa rin ako habang nasa sasakyan kami. Hindi ko alam parang may parte ko na naiwan sa lugar na 'yon, ganito talaga ako kapag may napamahal sa akin. Si Angelo, narito siya sa tabi ko at hinihimas ang likod ko. Akala ko nga mag-aalburoto siya kanina dahil nalate ng five minutes 'yung van na susundo sa amin pero kabaligtaran ang sinabi niya kanina.
"Bakit ang bilis nyong dumating? Akala ko ba busy kayo?" Napagtawanan tuloy siya ni Dean Miguel pero wala lang 'yun sa kanya ngayon. Mukhnag nagustuhan niya rin dito.
"Wag ka nang umiyak. Ang panget mo na, lalo ka pang napanget. Sige ka, malalabas na dinosaur dyan sa ilong mo.." Napapatawa tuloy ako sa kalagitnaan ng pag-iyak ko. Medyo nakakaimot ako ng dahil sa kanya. Napaghahahampas ko rin siya baka bukas puro pasa na siya.
"Sige, free ang hampas ngayon kaya lubus-lubusin mo na.."
Tulu-tulo na ang sipon ko sa damit niya at naging kulay dirty white na iyon. Paano ba naman ay siningahan ko na nang tuluyan. Wala daw kasi siyang mai-ooffer na panyo kaya 'yung polo niya na lang daw."Wag ka nang maarte.." Ginulo-gulo pa niya 'yung buhok ko. Lalo tuloy akong nagmukhang bruha.
Buong byahe yata akong naiyak kaya medyo pagana 'yung mata ko. Saglit siyang huminto para sagutin ang isang tawag. Hindi ko narinig kung tungkol saan iyon dahil nag-iiyak pa rin ako habang naglalakad kami. Saglit siyang lumayo dahil parang confidential ang sinasabi ang kausap niya sa kabilang linya.
Naluluha pa rin ako ng tumabi siya sa akin na may mainit na aura. "Hindi ka pa ba titigil ng kaiiyak mo dyan?" Bigla siyang nabeast mode. Topakin talaga ang isang 'to. Kanina nag bait-bait.
"Eh kasi..." Hindi pa ako natatapos sa paliwanag ko nang hilahin niya ako.
"Mamaya sabihin pa nila pinaiyak kita dyan.. Ayokong may umiiyak sa harapan ko sa harap ng maraming tao." Ang sabi niya habang seryosong-seryoso. Ang dilim ng aura niya. Bakit ba biglang nagbago ang mood nito?
"Sorry.." Ang tugon ko at napatungo na lang ako.
Nasa gitna na pala kami ng parking lot nang School of Engineering nang mga sandaling iyon. Dun pa yata kami gagawa nang eksena, mabuti na lang at hindi pa uwian.
"Tingnan mo nga 'yung hitsura ko. Mukha pa ba akong disenteng tao sa pinaggagawa mo sa 'kin.." May isang teacher at dumaan at napatingin sa amin nang may panunuri. Para kasi siyang tatay na pinapagalitan ang anak niya dahil nacutting classes.
May malapit na bakanteng room sa may parking lot at hinila niya ako roon. Room 'yun nang mga bisita kapag may nagtu-tour dito sa school naming kaya hindi ko alam kung bakit bukas. Patuloy pa rin siya sa paghila sa akin doon. Sa damit niya ako nakapitan kaya halos magtanggalan ang mga bitones ng blouse ko. Nang pumasok kami sa loob ay lumapit ako sa kanya para tanggalin 'yung polo niyang puro dumi. Nakakahiya kasi.
"Ano ba sa palagay mo 'tong ginagawa mo!" Sinigawan niya ako. Bakit ba bigla na lang uminit ang ulo niya sa akin? OA na ba talaga kung gustuhin ko pang makasama 'yung mga bata? Wala akong kapatid kaya, mahilig ako sa mga bata. Hindi niya ba nagets 'yun?
"Hubarin mo na 'yan. Ibabalik ko na lang kapag nalabhan ko na.." Ang hiyang-hiya kong sabi habang kinukuha pa rin ang suot niyang polo.
"Ito ba ang gusto mo, o..." Inihagis niya sa akin ang polo niya. "Sa iyo na.." Tiningnan niya ako habang pinupulot ko 'yung polo niyang inihagis sa akin. Habang ginagawa niya iyon, biglang nagbago ang aura niya, naging banayad muli.
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
ChickLitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...