Chapter 1

69 2 0
                                    

My first story! :)

Chapter 1

Kath's POV

Good Morning Madlang People!

Hayy! Excited na kinakabahan ako sa bago kong School na papasukan! :)

Excited kasi balita ko, maganda daw yung School na yun sabi ni mama. Kinakabahan kasi hindi ko pa alam kung paano ako makikisama sa bago kong magiging classmates. Mahiyain kasi ako :D Bale Transferee ako sa papasukan kong School, ayoko na sa dati kasi masyado silang corrupt! Hahaha

*TOK TOK*

"Pasok" sabi ko.

"Oh anak di ka pa ba maliligo? Anong oras na oh, baka malate ka na?" sabi ni mama.

Nagulat ako sa sinabi ni Mama! Tinignan ko nga yung orasan 7:30 AM na?!! eh 8:00 AM magsisimula yung klase.

Eh sa nag dedreaming pa ako kung anong mangyayari sa akin mamaya.

"Oo nga ma! ano ba yan, ayoko pa man din malate first day of class LATE? nakakahiya" sabi ko habang kinukuha yung tuwalya ko.

"O sige anak bilisan mong maligo at ihahatid ka ng kuya mo" sabi ni mama.

*Toothbrush-Ligo-Bihis-Suklay ng buhok-READY na!*

bumaba na rin ako para makakain na ng Breakfast.

"Oh andyan ka na pala Panget! Bilisan mong kumain para maihatid na kita" sabi ni Kuya Ron na nagpipigil sa pagtawa.

Pssshh! Umagang-umaga nang-aasar si kuya! Sarap batukan eh! 

"Whatever LOSER!" I just rolled my eyes.

"Anong Loser ka dyan?" tanong ni Kuya.

"Duhh?! Don't you remember loser, lagi kaya kitang natatalo sa Temple Run" sabi ko na nakangiti na pang-asar sa kanya.

"Heh! matatalo din kita at tsaka wag ka ngang ngumiti? Ampanget mo! HAHAHAHA"

"Whatever Loser, mas panget ka noh!" belaaat.

"Tama na yang bangayan na yan, bilisan nyong kumain at baka malate na kayo." sabi ni mama.

Pagkatapos naming kumain tumayo na ako pati na rin si kuya.

"Oh anak ito baon mo." sabi ni mama sa akin.

"Wow! My favorite Hotdogs. Thanks Ma!" sabi ko and I hug her. Masyado bang O.A? eh sa malambing ako eh.

"Oh Ingat kayong dalawa, Ron ingat sa Pag dadrive ha?" sabi ni mama.

"Yes Ma." sabi ni kuya sabay halik sa cheeks ni mama at nauna ng lumabas.

"Sige Ma punta na kami" sabi ko at halik sa cheeks ni mama.

May sariling kotse si kuya, Bale nagtatrabaho na siya ngayon sa isang Company. Nakaupo ako ngayon sa may shotgun seat. Nagdadrive naman si kuya.

"Oh Panget behave ka lang sa bago mong School ah." sabi ni kuya.

"Kuya! Please stop calling me Panget! nakakainis! at matagal na akong behave noh!" sabi ko.

"HAHAHAHAHA! o sige hindi na lang panget ahh..ano na lang Baboy na lang kasi ang takaw mong kumain HAHAHAHA.

"Hay! Whatever . Non sense din lang naman mga sinasabi mo." 

"HAHAHA! basta wala munang boyfriend ah, kung may gustong manligaw sayo dapat dumaan muna sa akin." sabi nya and he's now serious.

Ganyan talaga si kuya napaka protective sa akin basta tungkol sa mga boys.

"Opo Loser as if naman kung may manliligaw sa akin eh hindi nga ako tumatanggap ng manliligaw, di ba focus lang muna sa pag-aaral." 

"Yan! that's my sister, manang-mana ka talaga sa akin. Apir naman diyan." 

Tinaas ko naman yung isa kong kamay para makipag-apir sa kanya pero di ko tinuloy. Kumbaga WOWOWEE lang! HAHAHA

"Che!" sabi ni kuya na naiinis. Bakla ata ito eh kung maka Che parang babae! :D

Nandito na kami ngayon sa School. Bumaba na rin ako sa kotse ni kuya, hindi na niya pinasok sa loob ng campus kasi nagmamadali na rin siya kaya papasok pa lang ako sa may Gate.

"Kaya mo yan Kath! Just be friendly na lang para hindi ka ma-OP" sabi ko sa sarili ko habang papunta sa gate.

Grabe! pagpasok ko pa lang sa school nakita ko mga studyante, Parang anak ng mga mamayaman, Malamang eh Private School ito eh tsaka Dimalanta ang may-ari.

Ang luwang naman itong School paano ko mahahanap yung room ko? sabi ni mama Section 1 daw ako at ang Adviser ko daw ay si..................................? sino na ba yun?

Ah si Ms. Zarate. Oo MS kasi wala pang asawa. Malamang kath hay naku!

Habang naglalakad ako may nakita akong babae. Matanong nga kung anong room ang Section 1? 4th year High School na pala ako.

"Ahm. Hello po" sabi ko. Napatingin naman yung girl na nakaupo lang habang may binabasang libro. Ang ganda nya ah at mukhang mabait.

"Hello din, What can I do for you?" sabi niya na naka smile. Ang ganda naman niya para siyang angel. :">

"Pasensya na kung naistorbo kita ah. Tatanungin ko lang sana  kung anong room ng Section 1 ng 4th year?" sabi ko.

"Ah section 1 ka ba? Parehas tayo ng section. Ayan lang ang room natin oh" sabi niya sabay turo nung room.

Ang lapit lang pala, eh kung section 1 pala siya bakit nandito pa siya sa labas?

"Ah ganun ba? hehe. Salamat. nga pala bakit nandito ka pa sa labas? tara pasok na tayo.

"Sige mauna ka na wala pa namang 9 AM eh kasi malelate daw yung adviser natin" sabi niya.

Tinignan ko naman yung watch ko 8 AM na so may isang isang oras pa? 

Nagmamadali pa man din akong pumasok para hindi malate tapos 9 pa pala dadating yung adviser namin. Hay naku.

"Ganun ba. Sige dito na muna ako." sabi ko at umupo ako sa tabi niya.

"I'm Janella nga pala. Janella Reyes." sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin para makipag-shake hands.

"Nice to meet you Janella. Ako nga pala si Katherine Cruz, just call me kath na lang." sabi ko na naka smile.

"Nice to meet you too kath! ah transferee ka ba?" 

"Oo eh

'

"ah see, so friends na tayo ah." 

"Sure! para naman may kaibigan na rin ako dito at para hindi rin ako mawala dito sa campus ang luwang kasi." sabi ko.

"Don't worry ililibot kita dito mamayang Lunch break Okay?

"Okay." 

Parang magiging bestfriend ko itong Janella ah, Mabait siya at maganda :">

"Tara na sa loob, malapit na rin mag 9." sabi niya at kinuha niya na yung bag niya.

"Ah sige." sabi ko at pumasok na kami sa loob.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana po nagustuhan niyo.

Medyo di pa ako ganun kagaling gumawa ng story. First time ko lang eh :)

~ Boss_Princess

Say It Again (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon