Chapter 12

0 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang Intramurals at ilang araw na lang rin bago magsemestral break. Ewan ko ba parang excited ako na hindi. Excited ako kasi hindi ko na kailangang gumising ng maaga para pumasok sa school pero nakakalungkot din kasi nga si crush, tapos yung mga lokarit kong mga kaibigan pati narin yung mga maiingay kong classmates. Hay ang emotional ata masyado, para naman na akong maggagraduate nito.

"Augh! Sino ba naman ang makakapagmemorize ng ganito kaingay." -reklamo ko habang nagmememorize ng mga asian countries kasama pa ang mga capitals. History! I love you! magsesemestral break na nga lang may pahabol pang quiz.

"Parang nasa palengke lang tayo. Ewan ko ba sa kanila, kailangan pa nilang isigaw ang pagmememorize." -dagdag naman ni Sam

"Tara na lang kaya sa secret hiding place natin" -sabi ni Sophy

Yung secret hiding place na sinasabi ni Sophy ay sa backstage sa gym dito sa school. Doon na ang naging personal room naming magkakaibigan. Doon kasi, kami lang yung tao kaya tahimik at doon nagagawa namin ang gusto namin, minsan doon kami nagkoconcert at nagkukwentuhan ng kung anu ano.

"E si Marj hindi ba siya sasama?" -tanong ni Sam

"Ay andun yung babae, nakikipagharutan na naman kay Kevin." -sabi ni Sophy sabay tingin sa upuan ni Marj at sa seatmate/crush niya

"Mukhang hindi naman nakikipagharutan, nag-aasaran nga sila e." -sabi ko

"Alam mo yang si Marj, nagkukunwaring naiinis lang dyan sa pang-aasar ni Kevin sa kanya pero ang totoo kinikilig yan, tignan niyo nga o." -si Sophy

"Tara na lang, hayaan niyo siya sa moment niya" -si Sam

"Okay, sabagay parang nag-eenjoy naman siyang inaasar ni Kevin" -ngiti ngiting sabi ni Sophy

Habang naglalakad papuntang gym, nadaanan namin ang 3rd year faculty at ayun, napag-utusan na naman kaming idala itong CD na may lamang mga kanta sa dance room para sa rehearsals sa dance competition in secondary school.

"Hindi naman tayo mukhang utusan no?" -sarkastiko kong sabi

"Baka naman mukha lang talaga tayong mapagkakatiwalaan." -Sam

"Oy sino magbibigay neto?" -tanong samin ni Sophy

"Ay hindi ako" -pagtanggi ko

"E di mas lalong hindi ako" -sabi ni Sam

"Sige, ganito yung kamay na lang natin, kung sino maiba siya yung magbibigay ng CD sa dance instructor." -pakipagkasundo ni Sophy

"Sige game!" --pagpayag ko

"Sure" -sabi naman ni Sam

At naiwan kaming dalawa ni Sophy dito sa labas ng dance room habang hinihintay si Sam na siyang nagbigay ng CD. At sa paghihintay may narinig kaming tunog ng folk dance.

"Folk dance yung sasayawin nila?" -tanong ni Sophy sakin

"Siguro, kung folk dance marunong ako diyan. Sumasayaw nga kami noong kinder ng folk dance e." -ako

"We! E bat' anong nangyari sayo ngayon?" -si Sophy

"Totoo kaya, naalala ko, may ganun-ganon pa yun e" -sabi ko habang dinedemonstrate yung step

"Baliw! Ganito yun o, papasok yung kamay! -pagtatama ni Sophy sa step ko

"Bakit kasama ba kitang sumayaw noon? Basta ganito yung sinayaw namin." -palusot ko kay Sophy habang dinedemonstrate parin yung step

Maya maya pa ay may biglang lumabas sa dance room pero imbes na si Sam, si Cristoff ang nakita ko.
Oh my gosh hiyang hiya ako, nakita niya kaya akong sumasayaw? Wag naman sana. Pero ngumiti siya ng konti, baka nga nakita niya ako, kaso hindi naman nakatingin. Saka anong ginagawa niya sa dance room? Baka naman kasali din siya, isa din naman kasi siya sa mga dancer sa school na nakikicontest at sumasayaw sa mga program.

"Cristoff! Sa sem. break ichat mo daw si CA sa facebook ha." -pahirit pa ni Sophy

Soooophy hiyang hiyang na nga ako dito humihirit ka pa diyan. Hindi naman ako makapagsalita dahil nagugulat parin ako sa mga pangyayari pero pagkatapos ng sinabi ni Sophy nakita kong tumingin si Cristoff kay Sophy at nagnod pa siya. Aaaaaahhhhh nagbablush na ata ako. Pinipigilan kong wag ngumiti pero nangingiti parin ako.
Ng makalayo ng konti si Cristoff, agad ko namang kinausap si Sophy.

"Nakakainis ka, hiyang hiya na nga ako kanina sa sayaw ko tapos sinabihan mo pa si Cristoff na ichat ako." -sabi ko kay Sophy

"Ayaw mo pa non, ichachat ka daw niya sa facebook, yieee" -Sophy

Wala naman na akong naisagot dahil natutuwa naman ako dun pero basta nakakahiya parin

"O ayan na pala si Sam." -turo pa ni Sophy

"Bat ba antagal mo sa loob?" Tanong ko kay Sam

"Wala nagkausap lang kami ni ate Hanna kanina, kasali din siya sa magsasayaw. Ay siya nga pala CA si Cristoff magsasayaw din. Nakita niyo ba siya, lumabas siya kanina may kukunin daw kasi ata!" -si Sam na tuwang tuwa pang nagsabi

"Oo nakita namin siya kanina, nakakahiya nga e." -ako

"Huh? Anong nakakahiya?" -si Sam

"Kasi nga, ganito yun..." -at kwinento na naman ni Sophy yung nangyari kanina

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon