Prolouge

1 0 0
                                    

  Nakatingin lang ako sa kanya. Tinignan ko ang mga mata niya. Parang wala paring nabago. Siya na siya parin. Parang sa span ng six years, hindi man lang siya nagbago.


"Kasi..."

"Ahmmm..."

Heto na naman kami, awkward at di makapagsalita. Gaya ng unang pagkikita namin. Nakaka-miss. Gusto kong balikan ang mga moments na yun. Yung mga moments na may mga palihim na tingin pa kami sa isa't isa at kung mabuking man, iiwas naman ng tingin. Napangiti ako. Siguro nga mahal ko parin siya. Siguro sarili ko lang ang lolokohin ko kung sabihin kong nakamove-on na ako sa kanya. Never akong nakamove-on. At heto na naman, gusto ko na namang sabihin na mahal ko siya.

"Mahal parin kita," sabi ni Kean.

Napatingin ako sa kanya. Gustong gusto ko talagang sabihin sa kanya na mahal ko parin siya. Na hanggang ngayon, siya parin ang nilalaman ng puso ko. Pero iba ang sinabi ko.

"Tama na, Kean! Tama na! Sinaktan mo na ako noon! And you know what? Durog parin ako! Durog na durog! Bakit ba bumalik ka pa? Ngayong... ngayong..."

At hindi ko na pinagpatuloy ang sinabi ko. Tumakbo nalang ako palayo. Bigla rin namang tumulo ang ulan. Para bang nakikiramay siya. At doon na tumulo ang luha ko.


The Art of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon