@MissyPretender's POV
Manika
Ito ang second encounter ko.
Meron kaming roleplay practice nun para sa exam namin. Napagpasyahan naming magpractice nalang sa bahay ng kaklase kong si Joyce since wala nung mga time na yun ang parents niya. Pero before kami pumunta sa bahay nila Joyce, napagkasunduan namin na magkita muna sa isang lugar at sabay sabay kaming bibili ng makakain sa 7/11 at sa isang restaurant pero dahil mabagal akong kumilos, nalate ako. Wala na sila sa tagpuan namin kaya mag-isa nalang akong pumunta sa bahay nila Joyce. Pagkadating ko dun, kompleto na sila.
Kami kami lang ang nandoon sa bahay. Ako, si Erin, si Joyce, si Elle, si Maricel, si Zell at si Erica.
Sa kalagitnaan ng practice namin, nagreklamo sila na nagugutom na sila kaya nagpresenta kaming dalawa ni Erin na kami na ang maghahanda ng mga pinamili nilang pagkain sa restaurant kanina. So, kami lang dalawa ni Erin ang nasa loob ng bahay samantalang yung iba, nasa labas.
Habang abala ako sa paghahanda ng mga pagkain, biglang nagsalita si Erin.
"Sabi ni Joyce kanina, may batang multo daw dito. American daw yung bata."
Natawa naman ako sa sinabi ni Erin na American daw yung multo.
"Huwag mo nga akong pinaglololoko! Hahaha!" Sabi ko na natatawa pa din kaya napakibit balikat nalang si Erin.
Nung tapos na ako sa pag-a-arrange ng mga pagkain, akmang kukunin ko na sana yung softdrinks na nasa ref nang makuha ang attention ko ng isang manika. Ang cute cute ng manika tapos yung mata niya, asul. Napakatangos ng ilong at ang puti. Parang American doll. Yung damit niya naman is dirty white na ang dungis dungis. Straight yung katawan niya at nakatayo siya sa gilid ng entrance ng kusina nila Joyce at parang nakatingin ito sa amin. Kaya imbis na kunin ang softdrinks ay kinalabit ko si Erin na abala sa paglalagay ng mga plato't kutsara.
"Erin, tignan mo yung manika sa entrance door oh! Ang cute!"
Agad naman siyang lumingon sa tinuturo ko at nangunot ang noo niya na tinignan ako.
"Huwag ka ngang manakot diyan! Anong manika pinagsasasabi mo? E wala naman! Tsaka takot sa manika ang Mama ni Joyce no."
Sa sinabi ni Erin ay agad kong ibinalik ang mga mata doon sa entrance ng kusina nila Joyce pero wala na doon ang manika.
Dahil dun ay parang nanlaki ang ulo ko at para itong sasabog sa takot at isa lang ang nasa isip ko nun, ang sinabi ni Erin na may batang multo daw sa bahay nila Joyce. American daw ito.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi na ako makahinga sa takot at ang huli kong natandaan ay nagsisisigaw na si Erin habang hawak hawak ako. Nagdilim nalang ang lahat at wala na akong maalala.
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!