Chapter 32: Yes

717 51 7
                                    

Chapter 32: Yes

Mula sa tahimik at pangkaraniwang klase, our classroom was now filled with hysterical squeals and giggles. Halos magsampalan at magsabunutan ang mga kaklase kong babae dahil sa kilig.

They were all losing their precious composure habang ako naman ay halos dumugo  ang ibanang labi  ko dahil sa kakakagat.

Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit ang totoo ay halos lumabas na mula sa dibdib ko ang puso ko. My heart was breaking all the walls that I built around it.
This is not a good sign. Alam kong yung mga bakod na tinayo ko ay hilaw at mahina and if he continues doing this, if he continues making me feel this way, the walls will collapse in no time.

Ayaw kong tumingin sa kanya pero parang pati sarili kong katawan ay hindi ko na kontrolado dahil kahit ayaw ng isip ko ay napalingon pa rin ako sa kanya.

He sat back on his chair and  he wasn't looking at me anymore pero kitang-kita ko ang isang ngisi na naglalaro sa kanyang mga labi. He lazily leaned against the backrest of his chair before he streched his legs. Para wala lang sa kanya ang kaguluhang nagaganap where in fact, he was the one who started this chaos. Gusto ko siyang batuhin nang librong hawak ko.

"Class! Quiet! Quiet!" Paulit-ulit na sigaw ng professor namin but it was useless. My classmates just wouldn't calm down. Sige lang sila sa pagra-riot. "Mr. Henares, kindly leave this class," sa halip ay sabi ng prof ko at iyon at iyon ang sa wakas ay nagpahinto ng mga tili at hagikgik. Natahimik ang paligid ng ilang sandali before I heard Bea's voice.

"But why, ma'am?" She whined beside me while other's groaned in protest.

"Gusto mo rin bang lumabas kasama ni Mr. Henares, Ms. Suarez?"

"Well ma'am if that's what you want I am not to object." Tumayo si Bea at akmang hihilahin sa braso si Nile pero nagsilita uli si Prof.

"But don't expect a passing grade from me, Miss Suarez."

Nalaglag ang panga ni Bea. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay prof at kay Nile. Seriously? Talagang nag-iisip pa siya kung ano ang pipiliin niya, si Nile ba o passing grade. And by the looks of her, she was having a difficult time deciding.

But before Bea could utter a word, Nile rose from his seat ay naglakad na siya papunta sa pintuan at lumabas ng kwarto. Ni  hindi na niya ako ulit tinapunan ng tingin.

Because of what happened, our professor did not push through our lessons. Sa halip ay initusan niya kaming kumuha ng papel at nagpa exam na lang siya. Sa palagay ko ay nagalit siya sa gulong nangyari at ang exam ay ang aming parusa. Hindi na kami nagsalita pa dahil sa itsura  pa lang ni Ma'am ay alam namin na mas palalain namin ang galit niya kapag nagprotesta pa kami.

In the end, some of us failed. I got a fair score. Hindi mataas pero mas mabuti na iyon kaysa bagsak. Babawi na langg ako sa susunod.

----

Meet me at the quadrangle. Hurry up, Cindy. I got a surprise for you.

Napakunot ang noo ko habang binabasa ko ang na-recieve kong text message galing kay Nina. It came just in time dahil katatapos lang ng huli kong klase.

Dali-dali akong sumagot sa kanya.

Ako:

Anong meron?

Nina:

Hindi na surprise kapag sinabi ko. Y Basta bilisan, okay?

Kahit nagtataka ako ay hindi na ako nagtanong pa.

Ako:

Okay. Papunta na ako.

Mabilis kong sinamsam ko ang mga gamit ko at isinuot ko ang backpack ko pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng classroom. I was about to walk out the door but Nile came out of nowhere at hinarangan niya ako. Mabuti na lang at nakontrol ko ang mga paa ko kaya hindi ako napasubsob sa dibdib niya.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon