Chapter 26

214 8 0
                                    

JEROME'S POV

"But I can fetch you." Reklamo ko kay Janella na kausap ko sa phone.

"H'wag na! Baka malate ka lang, matagal pa ko. And don't you think.. dapat si Jane na lang?"

Tumikhim ako nang wala akong masabi. Narinig ko ang buntong hininga niya na parang hirap na hirap na siya.

"Sabi niya ihahatid naman siya ng driver nila."

"Jerome!" Frustrated na sigaw niya. "She said that?"

"Oo." Malamig na sabi ko.

"Okay," Buntong hininga niya. "Pero hindi mo pa rin ako pwedeng sunduin."

Sumimangot ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama. "Okay.."

Gusto ko sanang sabay kaming pupunta sa ball, kahit hindi sabay sa paglalakad sa red carpet, ayos na sa akin. I'm just so thrilled to see her, alam kong kahit anong mangyari ay imposibleng maialis ko sa kanya ang tingin ko, she'll shine kahit ano pang isuot niya. Gusto ko lang na ako ang unang makakita sa kanya bukod sa pamilya niya at nag-ayos sa kanya. I want to tell her how beautiful she is.

But I guess, I'll be more thrilled. Aagahan ko para makita ko agad siya, sana hindi siya matagalan. Damn, kailangan nga pala sabay kami ni Jane papasok. I hope she won't get late, I'm eager to see my Janella. It's really unfair, gustong-gusto ko na siyang makita pero it's either malate siya or si Jane. Girls..

"Hey, Russel wait!" Natatarantang sigaw ni Janella. Napakunot ang noo ko nang narinig ko ang pag angal ng kapatid niya.

"Don't touch my anything!" Nabubulol pang sabi nito. Humagalpak ako. Siblings quarrell, huh?

Narinig ko ang pagsinghap ni Janella. "No, kiddo. Get back here. Ate is in a hurry kaya give me that na."

"Hey, 'wag mo pagalitan masyado. Mas lalong magtatampo." Paalala ko. Hanggang ngayon nagtatampo pa rin ang bata sa ate at mama niya dahil iniwan siya nung nag London. Of course the kid can't understand them yet, he just wanted to go and be with his family but he has school and more.

"He's still mad! I don't know what to do him." Bulong niya. "Sige na, I'll see you later. Susuyuin ko pa kapatid ko."

Humalakhak ako, I want to witness that. At gusto ko ring magpalambing, pero hindi ko magawang magtampo ng matagal kasi hindi ko siya matiis. "Alright. Goodluck, see you later."

Hinintay kong siya ang magpatay ng tawag ko bago ko ibinulsa ang phone ko. Naisip ko tuloy kung isusuot niya ba mamaya 'yong necklace. But if not, it's alright. Hindi naman ako umaasa. It's a pretty big event tonight so.. kailangan importante ang bawat detalye ng suot niya at alam kong planado na iyon. I can't make that necklace fit in kung wala naman sa planong isuot ito.

"Kuya.." Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kuwarto ko.

Binuksan ko 'yon agad. Napangiti ako nang makita ko si Chai. "Yes?" Kumunot ang noo ko nang nakita ko siyang bihis na bihis, mukhang may lakad.

"Ano eh.." She bit her lip tsaka yumuko. "Kuya.."

Tumawa ako at binuksan ng mas malaki ang pinto para makapasok siya. "Sige."

Namilog ang bibig niya at niyakap ako mula sa gilid. I hugged her back. Hindi na talaga bata ang kapatid ko. I gave her extra allowance.

"Masyado ka ng spoiled." Iling ko, natatawa.

"Because you're spoiling me, Kuya." Halakhak niya.

Tumango ako. Ayoko kasing nag-aaway kami kaya pinagbibigyan ko siya madalas, pero madalas pa rin kami mag-away kahit ganon. I just miss my siblings so much, bihira kaming magkasama at makapagbonding kaya ayokong may kagalit. But with Chai, it's inevitable. She's a boy magnet and it's frustrating. Can't they see that she's still a baby for me? Ayokong maraming nagkakandarapa sa baby ko. My Ate is married at sa ngayon tanggap ko na 'yon, and the youngest girl is too young, no frustrations yet for her. While Chai is in the middle, dalaga na at marami ng nakaaligid. She's uncontrollable that made it even harder.

"Anong oras ka uuwi?"

"I'll be home by 10." She promised.

Tumango ako. "Saan ka?"

"Uhm.. diyan lang, Kuya."

Kumunot ang noo ko. "Saan 'yon?"

"Basta malapit lang." Ngumisi siya.. "And you, be home by 10 too, okay?"

Ngumiwi ako. "I'll be home by 10 if you'll be home by 6. Ganon ang katumbas."

"Joke! Just.. take good care of ate Janella tonight. Kahit doon ka na matulog sa kanila!" Humagikgik siya at hinalikan na ako sa pisngi. "I gotta go! Bye Kuya. I love you!"

"Chai Janecca!" Malamig na sabi ko. Nag flying kiss pa siya bago tuluyang umalis. Napailing na lang ako sa kanya at napasigaw ng may naalala ako. "NO BOYS! BUT IF IT'S A DATE, HOPEFULLY NOT, THEN MAKE SURE YOU'LL BE DISTANT!"

Narinig ko ang tawa ni Mama sa labas. "Let your sister breathe!" Sigaw niya.

"Ma, I'm letting her!" Sigaw ko at ibinulong na lang sa sarili ang kasunod. "Just breathe. No flirting yet, she's still my baby."

Sa mga sumunod na oras ay nagpahinga lang ako. Nag ayos lang ako 2 hours before the program, mabilis akong naligo at inayos ang buhok. Napatingin ako sa damit na hinanda na ni Tito Avel bago pa siya nagpunta sa Paris. Sinuot ko iyon at tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Next Star Magic Ball, hindi ko na talaga palalampasin 'yon.

"You look beautiful." Ngiti ko kay Jane at pinasadahan ng tingin ang gown niya.

"Thanks. You don't look bad yourself too." Nakangising sambit niya habang hinahawakan ang braso kong naghihintay. Naglakad na kami sa red carpet at pahinto-hinto para magpapicture.

Panay ang paglingon ko, nandito na kaya si Janella? Sumabay ba siya kay Marlo sa red carpet? Napangiwi ako. Sana kami na lang. Sana pwede na.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon