This chapter is dedicated to babheygal! Hello, hello!
Thanks so much sa mga votes and reaction niyo from the last chapter. Natutuwa akong basahin lahat ng comments. Love you guys!
Sana magustuhan niyo rin 'to. Enjoy!
==================================
CHAPTER 15
“Teka, ang ibig mong sabihin, ikakasal ka na?” manghang tanong ni Gino kay Mikay.
Naglalakad-lakad sila sa dalampasigan ngayon. Matapos niyang mahimasmasan sa nangyaring anxiety attack kanina ay niyaya ni Mikay si Gino na lumabas. She decided to come clean and tell him everything.
Ano nga ba naman ang mawawala sa kanya ‘pag sinabi niya ang totoo rito? He had proven to her that he could be trusted.
“Nakikinig ka ba? Hindi nga ako pumayag ‘di ba? Kaya ako naglayas, para hindi matuloy ang balak ni papa. Never akong magpapakasal sa taong hindi ko kilala ano! I’m not that stupid.”
“Bakit naman? Malay mo, okay naman pala yung ipinagkasundo sa’yo. Ano nga ba pangalan nun?”
“Hindi ko na inalam. At wala akong balak na makilala pa siya,” she insisted.
“Baka mabait na tao din naman yun. Hindi naman siguro hahayaan ng papa mong mapunta ka sa isang walang kwentang lalake. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang sarili mo na makilala siya?” katwiran nito.
Mabilis na umiling si Mikay. “No. Ayokong magpakasal kasi ma-“
She stopped in midsentence. What was she thinking? She couldn’t tell him that!
“Kasi?” untag ni Gino sa kanya.
“K-kasi… M-may… May gusto na akong iba…” sagot ni Mikay nang hindi tumitingin dito.
Napapitlag siya nang pumalatak si Gino. “Kaya naman pala. Eh, pa’no ngayon ‘yan? Alam ba ng boyfriend mo na nandito ka?”
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanfictionPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...