6 yrs. 6 yrs halos, na may crush ako sa kanya. ang adik ko, hahaha. ang tagal na pala. grade 6 pa lang siya at 1st year ako nun, dun ko siya nasimulan maging crush. nagtanong kasi siya sakin nun...
"uhmm san yung elementary department?" mixed emotions eh, etong cute na chubby na to magaaral sa school namin? etong cute na chubby na to elementary lang? SAYANG!
since then crush ko na siya, palagi pa kong nagpiprisinta sa mga teachers pag may iuutos na dalhin sa elementary department.
friendster days pa nun, kaya limitado pa ang pangiistalk ko, saka nung mga panahong yun pagnakapagcomputer ka para bang mayamang mayaman ka na, so hanggang sulyap at simoy lang ako.
hanggang sa yung matabang bata na crush ko nagevolve bigla.
nung una, pumapayat lang nang onti, gumagwapo yung gupit, tapos biglang may nagkakacrush na sa kanya.
hanggang sa nag3rd year ako, at second year siya. pumasok siya non na payat, as in ang layo sa itsura niya, pumuti pa, nadengue pala siya during summer, na stress tuloy ako, in a good way.. gumwapo kasi siya lalo sa paningin ko.
since then ang DAMI na LALONG nagkakacrush sa kanya, at ako isang dakilang pedo lang, haha child abuse eh noh, lower level kasi siya pero di ko naman kasalanan na maaga ako pinagaral ah... bale mas matanda pa rin siya sakin. isang dakilang lihim lang ang crush ko sa kanya.
HD. yan ung unang codename ko sa kanya, hidden desire.
nung 3rd yr ako nagkaroon ako ng super bff kaya nashare ko nayung HD ko kay HD sa iba. hanggang nauso nun yung dota for boys at syempre facebook for girls. nagkaron na rin ng camera ang mga phone, kaya si HD ayun ang daming stolen sa fanpage niya at yun yung dinadownload ko.
hanggang sa nagsummer, incoming 4th year na ko, at si HD syempre incoming 3rd yr.
and since that summer nagsimula na ang kilig personal encounter ko with him.
----
bitin ba? well that's the essence of this cherva. :) haba noooh, hirap itype niyan dto sa qwerty touchscreen no! :)))) good day!
vote! COMMENT and be a fan!
BINABASA MO ANG
Her Point Of View
Romanceisang babae na may long time crush aka hidden desire sa isang lower year level na lalaki... isang storyang maaaring nangyayari sa totoong buhay... isang babae na may crush... isang babae na nafafall... kahit natingin lang sa malayo, sa mga pictures...