Chapter Twenty-Five

99.7K 2.3K 164
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

"FRANCES, tayo na. Baka mahuli tayo sa hapunan."

Nagpatuloy na sinuklay ni Frances ang kanyang mahabang buhok. Dapat ay maka-isang daang suklay siya para maganda ang bagsak ng buhok niya. Nasa sixty pa lang ang huling bilang niya.

"Wait lang," sabi niya kay Matthew na nakasuot ng creamed buttoned polo at slacks.

His usual sports shirt and maong attire was gone. Formal dinner sa isang five-star hotel kasi ang pupuntahan nila kasama ang Mama at Papa niya.

"Ayos lang ba?" tanong nito habang nakaharap sa salamin at tinutupi ang long sleeves ng polo hanggang siko nito.

Hindi niya alam kung sadyang maliit lang ang polo kay Matthew o malaki talaga ang katawan nito dahil halatang-halata pa rin ang lapad ng balikat at dibdib nito na humahakab sa damit.

Nag-shave na rin ito. And for the first time, naka-gel or wax yata ang buhok nito!

Ang linis-linis tingnan ni Matthew ngayon. Not that he looked dirty before but he used to be ruggedly sexy.

"Ano, nakailang suklay ka na ba? Hindi pa ba tayo aalis?"

"Nasa sixty-one pa lang ako before you interrupted."

Pinagpatuloy niya ang pagsusuklay. Hindi na nagsalita si Matthew at hinintay na matapos niya ang ika-one hundred na hagod ng suklay sa buhok niya.

"Tayo na," aya niya rito at saka tumayo na. Ngunit pinigilan siya nito sa braso. "Ang lamig ng kamay mo!" she commented.

Kinakabahan si Matthew? Tipid itong ngumiti at pinaupo ulit siya sa harap ng dresser. Magkatabi sila roon at huminga ito ng malalim.

"Ano...uh..." he startled. "Ahm...bago tayo umalis, ano..."

"What?"

Napakamot ito sa baba. "Let's... pray?" he initiated. "H-Hindi ko kasi masisiguro na matatanggap ako ng mga magulang mo ngayon. Pero sana. Kaya magdasal tayo para magabayan ako ng Diyos sa mga dapat kong gawin na ikatutuwa ng mga magulang mo. Ipagdasal natin na ibigay na nila sana ang blessings sa pagpapakasal natin..."

Napahagod ito sa batok at napayuko. "H-hindi ko talaga alam ang gagawin ko pero alam kong kapag nagdasal tayo, mas mabibigyan ako ng Diyos ng tapang para maging tama ang gabing 'to para sa'tin."

Kinuha niya ang mga kamay nito. "Iyon lang pala, eh." Frances smiled and closed her eyes.

Nakakatuwa na nag-aaya na rin si Matthew na magdasal sila. Kadalasan kasi ay siya ang nag-aaya bago matulog at pagkagising.

Nakakapanibago.

Ngunit magaan sa pakiramdam na nagdadasal sila ng magkasama ni Matthew. Kung malalaman 'to nila Peter o ng mga kaibigan ni Matthew sa NBI, baka tuksu-tuksuhin pa sila.

But they're starting a new life with Christ as a couple, so they should not be ashamed of the life they wanted to live now. Pasasaan ba at masasanay din sila pati na ang mga tao sa paligid nila.

If other couples can do it, they can too, with God's grace.

Aasa siya. Aasa siya sa Diyos na gagawin Nitong maganda ang gabing ito para sa kanila. Masakit ang umasa, pero hindi sa Diyos.

Huminto ang kotse ni Matthew sa harap ng enggrande at malawak na entrance ng Anderson-Monteverde Hotel.

Umangkla siya sa braso ni Matthew nang papasok na sila ng hotel. Maraming tao sa restaurant sa loob niyon ngunit nakita ng mga mata niya agad ang mga magulang.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon