Kathryn's POV
Kriiing! Kriiing! (5:00 am)
Tunog ng alarm clock ko sa may table sa tabi ng kama ko. Maaga talaga akong gumigising pag may pasok. Ayoko ko kasing nalalate, lalo pa ngayon na first day ko sa college. Tumayo na ko at nagligpit ng hinigaan ko tapos pumasok na ko sa cr para maligo. After 2 hours, natapos ko na lahat ng ginagawa ko, yung daily routine ko. Tagal noh ? ganyan talaga ako, mabagal kumilos pagdating sa ayusan. Hahaha! Bumaba na ko at pumunta sa kusina para magbreakfast. For sure nandun na si mommy and kuya. Inabutan ko si mommy na naghahain na ng breakfast. Si daddy nandito rin.
"goodmorning mom, goodmorning dad, goodmorning kuya." Bati ko sakanilang lahat then kiss sa cheeks. Sweet ko no? hehe.
"goodmorning baby" nakangiting bati ni mommy sakin. Ganun din naman si daddy.
"goodmorning princess" bati ni kuya. Si kuya, princess ang tawag sakin pag nanlalambing o di kaya pag may kaylangan.
Si Mom and Dad super close namin ni Kuya. Parang barkada lang pero may respect parin kami sakanila. Mabait kaya kaming anak ni Kuya Quen. hehe.
Umupo na ko sa may tabi ni Kuya. Si Mom umupo na rin sa tabi ni Dad tapos kumain na kami. 6:30 palang naman kaya paeasy-easy lang kami ni Kuya. Parehas kasing 8 ang pasok namin.
Si Kuya, 3rd year college na siya. B.A yung kinuha nyang course kasi sya daw yung papalit or tutulong kay daddy sa mga companies namin. Pumayag naman sya kasi gusto nya rin naman sundan yung yapak ni daddy and ayaw naman din daw nyang masayang yung pinaghirapan ni daddy. Marami na kasing naipundar si Dad na company sa iba't-ibang bahagi ng bansa eh.(wow no? Hahaha) Matalino din yan si Kuya. Mabait tsaka syempre gwapo. Nasa lahi kaya namin yun. Kapal eh no? Hahaha! Nag-aaral sya sa Bernardo University. Kung iniisip nyo na kami ang may-ari ng school. Yes, kami nga. Hahaha. Kaya nga ang daming naghahabol dyan kay kuya eh. Wala lang sakanya kasi may girlfriend na sya. Si Ate Liza Padilla, mabait, maganda, nasakanya na ang lahat. Sa B.U din sya nag-aaral. Magbestfriend yung parents nya and parents ko. Habulin din ng boys yan kaya patas lang sila ni Kuya Quen. Hahaha. And tulad din namin, mayaman din yung family nya.
Ako, Medicine yung course na kinuha ko, bata palang kasi ako gusto ko ng mag doctor. pero hindi ako sa B.U nag-aaral. Bakit? Wala, ayaw ko lang. hehe. Tsaka konti lang din ang nakakaalam na anak ako ng may-ari ng B.U. and sikat na Bernardo's International Corp. . Mga bestfriends and Padilla family lang ang nakakaalam. Ayoko ko kasing itrato ako ng katulad sa pagtrato ng ibang tao kay kuya. Yung hinahabol-habol tapos minsan wala ng privacy. Though marami ring nanliligaw sakin kasi maganda daw ako, mabait at marami pang ibang dahilan. haha! Sa P.U pala ko nag-aaral. Dami ko ng nakwento. Ok na yun. Malalaman nyo din yung iba next time. Ahehe.
"hmm Dad, wala po kayong work?" tanung ko kay Dad.
"meron baby, mamaya pa yung flight ko." -Dad
"out of town po ulit? San po?" tanong ko ulit kay Dad.
" sa Singapore baby" sagot naman ni Mom.
"Kath sunduin kaba ni Lorenz?" -Kuya.
"Ah oo. Bakit?" -Ako
"ah sige, wala naman. Aayain na sana kitang umalis kung hindi ka nya susunduin." -Kuya
"ganun ba? Sige mauna kana Kuya." -Ako
"sige, dadaanan ko pa si Liza eh. Bye Mom, bye Dad. " paalam ni kuya.
"Sus! Alam namin! Hahaha!" -asar ko kay Kuya.
"ikaw talaga! Bye na" sabay hawak sa mukha ko. Yung parang hinaplos nya pababa. Gets nyo? Hehe. And kiniss nya sa cheeks si Mom and Dad.
BINABASA MO ANG
An Unexpected Love. (Kathniel Fanfic)
RandomHindi ko alam kung paano at kailan. Basta ang alam ko MAHAL ko na sya. - Kathryn Noong una palang minahal ko na sya. Sobrang mahal ko talaga sya. Pero hindi ko alam kung bakit ganito. Nalilito na ko. - Daniel ---- An Unexpected Love Another s...