TFHAF 23 - Tying Family Bonds

419 22 2
                                    

TFAHAF 23 - Tying Family Bonds

Marseille's POV

Tahimik kaming magkatabi ni, Yerin sa backseat habang si Nanay ay nasa shotgun, at ang nagmamaneho ay si Mr. Moon, my father.

"Appa! Where are we going? And why the hell are we here with these btches?" kumuyom muli ang mga kamao ko.

Pero nakita ko ang titig ni Nanay sa akin sa rear side mirror kaya tumahimik ako.

"Stop that crap Yerin." umirap si Yerin at tumingin na lamang sa labas.

Sa tapat isang five star restaurant kami bumaba.

Napailing ako ng alalayan ni Papa si Nanay pero inilagan siya nito.

Go Nanay!

Umupo ng naka busangot si Yerin katabi ni Papa habang kami ni Nanay ang magkatabi.

Umorder si Papa ng maraming pagkain, sobra sobra para sa aming apat.

"I know what you did Yerin. Say sorry to Aleri." utos ni Papa.

Tsk. I shouldn't call him Papa but I really love to have a father.

"I won't!" matatas na sagot ni Yerin.

"Say. Sorry. Or. Lose. All. Your. Assets." nabigla ako sa narinig.

"But Appa?!" maging si Yerin ay gulat.

"The choice is yours Yerin." matalim akong tinitigan ni Yerin.

"Sorry." may halong pagkasarkastiko ang boses niya ngunit hindi ko na iyon inintindi pa.

"What do you want Mr. Moon?" cold kong tanong.

"Aleri, call me Appa or Papa instead. I'm your father." naramdaman ko ang mga luhang nagbabadyang tumakas.

Kumapit ako ng mahigpit sa aking suot.

"You're not my father. I don't have a father. He's already dead the day he abandoned us, me and my Mom." nakita ko ang pagpungay ng mga mata niya.

"Aleri!" pagsita ni Nanay.

"Cut this drama Appa. She doesn't like you or need you either. This is tiring Appa, you always care for her but she still hates you." singit ni Yerin.

Nanlaki ang mga mata ko. Always care?! Never kong naramdaman ang presensya niya para alagaan ako!

Napaligon ako kay Nanay na bahagyang yumuko.

"Now, tell her the truth Chona." bigkas ni Papa.

Anong katotohonan? Parehas kaming naguguluhan ni Yerin.

"Anak." pagtawag ni Nanay at hinawakan ang kamay ko. "Your father visits you, he always go here in Philippines just to see you." sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko.

"What? Nay! This is all lies! I haven't seen him until now!" kumuyom ang mga kamao ko habang si Yerin ay natulala.

"I always tell him that you hate him, more than how much I do." sht. Hindi ito totoo. Pinagkait sa akin ang magkaroon ng isang ama.

"So this is the reason Appa? I knew it!" padabog na tumayo si Yerin.

"Yerin!" pagpigil ni Papa at hinila paupong muli si Yerin.

The Fangirl Has a FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon