"Prologue"

270 6 3
                                    


---> yan po ang cute nating character na si DAN

(DAN P.O.V)

WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!

"LATE NA KO" dali dali akong pumunta sa banyo para maligo hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko kasi 8:00 am na ako nagising tapos 7:50 ang klase ko......

Pagkatapos maligo dali kong sinuot ang aking uniform tsaka tinungo ang pinto pero bago pa ako makalabas narinig ko ang boses ng aking mahal na ina

"HOY bata ka kumain ka muna" sabi niya

"mama naman eh late nako sige po BYE" pagkatapos sabihin non kumuripas na ako ng takbo.

Nang makalabas na ako ng subdivision pumunta na ko sa kalsada at dahil sa pagmamadali sabi ko sa sarili ko na kahit anong klasing jeep ang unang makita ko ay don na ako sasakay.... at sa hindi kalaunan may nakita na akong jeep na papalapit sa lokasyon ko kaya gaya ng sinabi ko hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sumakay na at swerte naman ako kasi ako lang ang nakasakay kaya talagang angkin ko ang boung jeep hahahaha

mayamaya pa napahinto ito sa isang kanto at saktong may sumakay na taong talagang nabighani ako kasi para siyang isang anghel yan tuloy napatulala nalang ako. nabalik ako sa realidad nang umandar na ang jeep na sinasakyan ko. hindi ako mapakali kasi ang bilis ng tibok nitong puso ko kaya ang ginawa ko hindi ko talaga siya tinignan pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga kaya at kaya ayon kahit anong position sa pagupo ang ginawa ko para ma tingnan ko siya. hindi naman ako naniniwala sa love at first sight pero bakit ganoon parang ito na ang nangyayari sa aking at ang masaklap sa LALAKI pa talaga waahhhh anong love at first sight tong sinasabi ko sa sarili ko hindi ako bakla noh at dahil fully loaded ang utak ko sa kakaisip nagtaka nalang ako ng huminto ang sasakyan at bumaba yong lalaking mukhang anghel kaya sinundan ko talaga siya ng tingin hanggang nawala na siya.

"sana magkita kami ulit" yon nalang ang nasabi ko

hindi ko alam kong bakit ko sinabi ang mga katagang iyong sa aking sarili basta bigla nalang itong lumabas sa bibig ko ng hindi ko alam...


A\N: hahahaha yan po first time ko pong magsulat ng story sa wattpad kaya enjoy at wag niyo nalang pansinin ang grammar hah at wag niyo palang kalimutang mag vote at magcomment :)



Dahil sa jeep...(yaoi, boyxboy, m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon