chapter 6- meet the emperors..

67 3 0
                                    

chapter 6

Khray's POV

HI!! Kumusta kayo? ^_^

Siguro di ko na kelangan pang magpakilala dahil sigurado ako na alam niyo na kung sino ako.. kaya ang mga kaibigan ko na lang ang ipapakilala ko..

Sa totoo nga.. may lakad kami ng mga kabarkada ko pero dahil sa may inutos sakin si mommy sinabi ko sa kanila na dadaan muna ako ng mall..

Syempre dahil mabait at mapagmalasakit ang aking mga kaibigan.. kaya sasamahan nila ako hehe

Kahit san naman ako pumunta basta ba mejo crowded lagi ko silang kasama.. alam niyo kung bakit?? Basta malalaman niyo mamaya..

"Pre, bilisan mo naghihintay na sila Jules satin" Sabi ni Gerald..

Si Paul Gerald Cerico, kababata ko at halos sabay na kami lumaki.. siya ang pinakaseryoso sa barkada, saming lahat siya ang pinakamasipag mag aral.. nandito siya ngayon s kwarto ko dahil lagi na lang siya tumitingin ng mga bagong books ,mahilig kasi siya magbasa.. yung kwarto ko kasi muka na siyang library.. may second floor, at yung second floor na yun dun makikita ang hindi mabilang na libro.. dito naman sa 1st floor ang mismong kwarto ko.. kakaiba eh noh?? pero di naman ako masyado bookworm, minsan nga mas nauuna pa basahin ni Gerald yung mga bago kong libro eh kaya siya ang bookworm..

"oo anjan na!!" sagot ko naman kila Jules sa baba..

"Pare!! Ang tagal mo naman magbihis.. wag ka na lang kaya magdamit . Mas gusto pa yun ng mga babae eh.." sabi ni Jules at nakita kong nakipag apir pa kay Jomari..

Kahit kelan talaga napakamasayahin nitong si Jules.. sobrang kbaliktaran ni Gerald.. kung si Gerald napakaseryoso , si Jules naman sobrang masayahin at mapagbiro..minsan nga iniisip ko wala ng kaseryo seryoso nito sa katawan.. siya ang joker ng barkada.. Si Jules Romeo Salazar

"Pre halika na.. alis na tayo, mamaya ka na nagbasa jan pagbalik.." sabi ko kay Gerald at agad na din naman siya sumunod..

Pagbaba ko nakita ko nayung lima.. si Jules nakikipagharutan kay Jomari..

"Alam mo pare.. para talagang siraulo si Khray noh? Gwapo naman pero di ginagamit.." Sabi ni Miguel kay Jules..

"Hoy Miguel narinig ko yun ah.. di mo lang kasi ako katulad dahil ginagalang ko ang mga babae.." sabi ko sa kanya..

Tama.. hindi talaga kami magkatulad .. kasi siya wala ng ibang ginawa kundi paglaruan ang mga babae.. lagi ko nga sya pinipigilan at sinasabi ko sa kanya na pagdating ng araw baka karmahin siya.. pero.wa.epek tuloy pa rin..Miguel Nicholas Francisco, isa siyang ultimate playboy samin.. ang magpaiyak at magpaasa ng babae ang kaligayahan niya..

"Masyado ka naman mabait.." -Dave

"sa ating lahat ata ikaw na pinakamabait.." -Daniel

John David at Carl Daniel Buenaventura.. ang kambal ng grupo.. minsan tinatawag din silang Buenaventura Twins.. samin lahat sila lang talaga ang matatawag kong normal haha..

"Siguro nga.. kahit kelan kasi di pa ako nakapagpaiyak ng babae.. di katulad niyang si Miguel.." sagot ko

"aray.. pre , ang sakit naman nun.. pero pano ka nga naman magpapaiyak kung wala ka pang nagiging girlfriend haha.." sabay tawa ni Miguel

"Nagkaron kaya ako.. kaya nga lang di kasing dami ng sayo.." sabi ko

"Haha.. talaga?? counted ba yung mga inakit ko para sayo.. para tigilan ka na nila..??" -Miguel

"Tama na nga yan.. masyado ka ng defensive Miguel, ako rin naman di kasing dami ng sayo.. nakakalima pa nga lang ako eh.."-Gerald

"Hay naku.. di kayo nag iisa , kasi ako 3 pa lang.."-Jules

"Kung usapang girlfriend?? Naku, di ko kayo isasama sa dahilan ni Khray.. sayo Gerald, kaya 5 pa lang nagiging syota mo kasi mas gusto mo ang libro .. diba??"-Miguel

"Si Jules nga din eh, kaya 3 palang gf kasi mas marami ang naging gimik .. haha"-Jomari

"Talaga!! Panu ka ba naman magsasaya kung lagi may nakabuntot sayo.." -Jules

"Itigil na nga natin ito.. aalis na ba tayo o magbibilangan lang ng gf??" sabi ko sa kanila,. ng matigil na

"Syempre aalis.." -Dave

"Come on guys lets go.." -Daniel

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon