"Hindi mo naman mamimiss ang isang tao kung hindi siya mahalaga sayo."
------§§
Dedicated to Dark L.. My new cyber friend :)
Capítulo 20.5: Missing You
Jhon's POV
Ilang araw na ba? Isa? Lima? Isang Linggo? Basta, I completely ignored Dana. Noong sinabi ko kasing 'Kung magpapatuloy kang lumakad papalayo sa akin...' sasabihin ko sanang '..hindi na kita kukulitin pa.' Parang ang hirap nun pero eto ako ngayon hindi na talaga sya pinapansin.
Exam noong subukan nya akong kausapin. Takte na! Parang magbabago isip ko nun ah. Pero buo na ang desisyon ko, hindi ko na sya papakialaman pa.
WHAT THE HECK "HINDI KO NA KAYA!"
"Hoy tumigil ka nga jan. Be a man, man!" Tinapik ni Raven ang balikat ko.
"Oo nga. Magpapadala ka na lang ba kay Dana?" Patutsyada pa ni Bien.
Kung tatanungin nyo ako kung bakit ako umiiwas kay Dana. Ayang dalawang yan ang pasimuno. Noong isang linggo kasi nagpatulong ako kay Bien pano manligaw, alam ko kasing sa lahat ng mga kaibigan ko ito ang may experience pagdating sa mga ganito. Sige try nyo kay Darelle? Failed nga yung regalo ko kay Dana noong birthday nya. Si Hal naman, gagong yun, tawanan lang ba ako. Tsk! Sikat lang sya kaya walang kahirap-hirap na naging sila ni Elise. Kaya eto, si Bien. Magaling to sa pangliligaw eh.
Ayan na nga, nagtanong na ako kaso lang ANAK NG TOKWA.. Si Raven nakikinig pala. Tsk! Emo sya dun sa gilid tapos biglang lumapit sa amin ni Bien na kung maka-ngiti kala mo demonyo.
"Nakalimutan mo na ba ang operation panliligaw mo?" Sabi ni Raven. "Sige ka tinutulungan ka na nga namin. Pag ikaw bumigay. Tsk! Tsk! Tsk!" Kala mo kung magaling manligaw ang isang ito. Sa pagkakaalam ko noon walang tanong tanong basta sinabi nyang girlfriend na nya si Ellah, girlfriend na nya.
"Tama si Raven." Isa pa itong si Bien, lintek! Sunod-sunuran lang naman ito kay Raven. "Kaunti na lang Jhon. Kaunting kaunti na lang mapapasagot mo na yang si Dana."
"Sigurado kayo ah? Last day na bukas ng pasukan. Christmas break na. Pano yan? Pag hindi sya umamin na gusto nya rin ako?"
"Marami pa tayong planong nakahain." Ngumisi na naman si Raven.
"Tama, may plan A, B, C hanggang Z. Titiklop din yan. Alam mo naman ang mga babae... Blah.. Blah.." Ang daming sinabi ni Bien. Expert? Tsk!
Pag itong dalawang ugok na ito pumalya. Babalyahin ko talaga sila.
Miss ko na si Dana ko!
<3
Last Day before Christmas Break...
WALANG SINABI SI DANA! Walang ni anino nya ang nakita ko!
Kausap ko yung mga kateammates ko pero yung mata ko palingon-lingon. Takte! Last day na ito! LAST DAY! Pucha naman oh. Pag hindi umamin yang si Dana sa akin... Waahh! Ang haba ng dalawang linggong bakasyong hindi ko sya makikita.
"Ano dude?" Lumapit na itong si Bien sa akin.
"Dude dudin kita jan. Wala! Hindi ko man lang nga nakita."
"Plan B na." Sumingit naman bigla itong si Raven. Mukhang kakagaling lang sa trabaho nya. Tumakas lang ata.
"Anong meron sa Plan B?" Nayayamot na tanong ko.
"Ganito. Lapit kayo." At binulong na nya.
"WHAT?"
<3
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Teen FictionJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?