TFHAF 24 - Sometime Alone

452 17 0
                                    

TFHAF 24 - Sometime Alone

Marseille's POV

Tahimik akong nag-iimpake habang si Irene naman ay nakatitig lamang sa akin.

"Mamimiss kita loka." sabay yakao niya sa akin.

"Babalik ako ano ka ba! I just need sometime alone." binalingan ko siya.

"Sigurado ka na ba dito?" tumango ako.

"Teka bakit nga pala nandito ka? Di ba dapat kasama ka nila Mindie sa paghatid sa EXO sa airport?" nakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Baka isipin ni Luhan na ang clingy ko. Atsaka binilin ni Senon na samahan kita ngayong paalis na ang EXO." bukambibig ng babaeng ito si Senon.

Might as well magkaalamanan na.

"Ka...yo ba ni Senon?" laglag ang panga ni Irene pero agad siyang tumawa.

"Oh my gosh Seille? Seriously?" halos gumulong na siya kakatawa.

"Ugh. Nevermind." nagpatuloy ako sa pag-aayos.

"Iba ang mahal nun. Pero kilala ko." kumindat sa akin si Irene.

Tsk. Ayokong mag-assume. Malay ko ba kung sa loob ng ilang buwang paghohome school ko ay nakamove on na siya?

Matapos ang mga ginawa nila Yerin at Suho ay napagdesisyunan ni Nanay na tapusin ko sa bahay ang second quarter ko this year.

Hindi naman na umagal si Ms. Kriz dahil sinisisi niya rin ang kanyang sarili sa nangyari. Wala naman siyang kinalaman doon pero sabi niya, kung nasa Akore lamang siya that time at hindi busy sa pagiging supportive kay Hanbin ay baka naagapan niya ang lahat.

"Hindi ka ba magpapaalam sa kanila?" pangungulit ni Irene.

Umiling ako ng mariin. Baka hindi ko na kayaning umalis kapag nakita ko sila, siya.

Kailangan namin ito, ayokong paasahin si Senon sa isang bagay na hindi ko pa sigurado. Baka masira ang friendship namin.

Atsaka Papa wants this, yung masubukan kong sa Korea muna tumira. Hindi na rin nakaangal si Yerin na palagi pa rin akong iniismiran, nakasanayan ko na.

"Aleri bilisan mo! Baka malate tayo!" sigaw ni Nanay.

Petiks lang ako pero si Irene ang nataranta.

"Kapag si Tita talaga ang sumigaw, natatakot ako." ngumiwi siya sa akin at natawa ako ng bahagya.

"Alam mo bang nagpa-iwan si Suho dito?" lumingon ako kay Irene.

The Fangirl Has a FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon