Chapter 26: Sky of Love

76 1 0
                                    

A/N: Helloooooo! A short update for you! Are you ready for chapter 26?! Now, here it is! Enjoy reading!

Quote of the day:

• Sometimes you need to cry and be sad. You need to break down and be torn apart. You need to learn how to pick yourself up and put yourself back together. Sometimes, the only way to be happy is to give into sadness first.

*******

Czian Jasshia's POV:

          Nandito kami ngayon sa ospital ni Zack at nanonood ng movie. Dinala niya ang laptop niya sa ospital para meron kaming pagkabalahan. Nakakainip kasi sa ospital kung wala kang gagawin. Maghapon kang tutunganga.

"Ang gwapo 'nung lalaki." Sabi ko habang kinikilig.

"Tch. Iyang mukhang 'yan gwapo?" Tanong niya at dinuro ang screen.

"Oo. Ang kinis ng mukha niya tapos ang tangos ng ilong oh." Pagpupuri ko.

"Tch. Ang pangit lang kaya niya. Mas gwapo naman ako sagad-sagaran!" Pagmamayabang niya.

"Hahaha. Wow! Baka tangayin ako ng hangin Zack ha!"

"Hindi naman. Konti lang. Haha."

"Manood na nga lang tayo! Ang daldal mo ngayong araw. Hahaha."

"Tama ka. Pfftt."

           Habang nanonood ay nangawit ako sa pagkakaupo kaya inilapat ko ang ulo ko sa dibdib niya. Pakiramdam ko tuloy nasa cinema kami at nanonood ng romantiv movie na dalawa. Kaya lang ibang-iba dahil maliwanag. At puro puti ang makikita sa buong lugar. May nakasaksak pang iba't-ibang pampagamot sa kamay ko. Pero ayos lang, kasama ko naman si Zack.

"Nakakaawa naman si Mika." Tukoy ko sa bidang babae sa movie. Kawawa kasi siya. Sobrang minamahal niya 'yung lalaki. Ibinigay niya lahat. Kaya lang ni-rape siya.

"Kawawa din naman 'yung lalaki eh. Ginawa din lahat para sa kanya. Isipin mo, kahit bad boy siya, binago niya ang sarili niya para kay Mika."

"May ganyan kaya sa totoong buhay? Yung gagawin mo lahat para sa taong minamahal mo? Yung kahit ikapahamak mo pa, basta mailigtas lang siya gagawin mo?"

"Oo. Meron."

"Sino sa tingin mo? Si Jayshin ba?"

"Nah, hindi lang siya. Ako rin."

"Ikaw? Seryoso?" Natatawa kong sabi sa kanya pero pagtingala ko ay seryoso siyang nakatingin sakin.

"Sobra. Seryoso ako dahil 'yun ang totoo. Gaya ng sinabi mo, tinutukoy mo na yata ako. Kasi kaya kong gawin ang lahat para sayo. Para maging masaya ka."

"Ah... m-manood nalang tayo." Sabi ko at tumingin na ulit sa screen.

           Habang tumatagal ay nakakaiyak na. Kasi naman, nagpanggap 'yung lalaki na may babae siya para hiwalayan na siya 'nung girl. Pero ang katotohanan, may sakit siya. May cancer siya. Tapos 'yung anak pa nila nalaglag. Nabuntis kasi 'yung girl.

"Happy ending kaya ang story?" Umiiyak kong tanong kay Zack.

"Pfftt, huwag ka ngang umiyak Czian. Baka kung ano pang mangyari sayo dahil sa movie na 'yan. Mabuti pa yata, tigilan na nating ang panonood---"

"Huwag. Malapit ng matapos 'yung story. Bat di pa natin tapusin, diba? Sige na pipigilan ko na 'yung luha ko." Sagot ko at pinunasan ang mga luha ko. Kakaiyak 'yung story.

           Nung malapit ng matapos ay nagkita si girl at boy sa lugar kung saan nandun 'yung snow man na simbolo ng anak nila. Nagka-boyfriend si girl pero nang makita niya 'yung boy ay mahal pa din niya. Tapos 'nung huling bisita niya dun sa lugar, hindi na si boy yung nadatnan niya kundi 'yung best friend 'nung lalaki. At sinabi nga sa kanya na may cancer 'yung guy matagal na kaya di na siya nakabisita. Pagkaalis nung best friend ni guys ay dumating ang present boyfriend ni girl. Hanga din ako sa present bf niya kasi pinalaya niya si Mika kahit mahal na mahal niya.

Memories of the Past (One Liter of Tears)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon