Chapter 1

24 3 0
                                    

Kylla Pov

Nandito na ko ngayon sa kwarto ko para matulog. 8:00 na kasi, kaya kailangan ko nang matulog. Madami pa kasing akong gagawin sa school eh.

*Ringg!! Ringgg!!*

"Oh hello Clark napatawag ka? Ano kailangan mo?" Gabi na hah bakit kaya ito napatawag?

"Wala naman, trip ko lang tumawag. Sayang naman tong load ko kung di ko gagamitin, mauubos na kasi ito mamaya." Ahh trip lang pala tumawag.

"Ahh ganun ba?"

"Yep, hmm nanghinayang ako kanina. Sana nakapagpakilala tayo ng maayos kanina" Saad nya.

"Bakit naman?"

"Kasi baka hindi na tayo magkita ulit"

"Kaya pala hehe, wag ka mag-alala makikita pa naman tayo eh. Wait may girlfriend ka na ba?" I think magkikita pa naman kami ulit.

"Wala pa eh bakit mo natanong?"

"Kasi may bestfriend ako, ipapakilala ko sya sayo. Sigurado ako na magugustuhan mo sya" Masaya kong sabi sa kanya. Irereto ko yung besty ko hahaha.

"Hah? Eh may gusto akong ----"

"Hello? Hello?" Ay nawalan na yata sya ng load. Di bale itetext ko nalang sya.

To: Clark

Nawalan ka na yata ng load. Sige next time nlang ulit. Goodnight ^_^.

From: Kyla

Hayy makatulog na nga...

--------------------------------------------------

The next day...

*Kring!! Kringg!!*

"Ayy!! Hayy nako akala o kung ano na alarm lang pala"

Bumangon na ko at ginawa yung morning routine ko. Naligo, nagbihis at bumaba na para kumain. Wala akong kasabay kumain dahil wala naman si Mommy eh maaga umalis dahil sa work, kaya ang mga kasama ko lang dito sa bahay ay mga kasambahay namin.

"Manang alis na po ako!"

"Sige po neng, mag-iingat ka!" nasa kusina kasi sya kaya sumisigaw sya.

"Sige po manang kayo rin po!" Umalis na ko para pumunta na sa school.

"Hello, Besty?"

"Hi Besty!, Where are you na??" Ask nya

Meet my bestfriend Princess, she's my friend since we we're kids.

"On the way na ko bes"

"Ahh, naunahan pa pala kita hahaha"

"Tss malapit na ko.. Wait lang"

"Okie bes, i'll wait for you"

"Ok bye"

---End Call---

At School

Nang makarating na ko sa room. Agad kong hinanap si Princess.

"Bes nandito ako!" Tawag nya sakin

"Oh bakit ka napatawag kanina?" Tanong ko sa kanya.

"May hihingin sana akong favor sayo bes" Anong klaseng favor naman yun?

My Heart Is Just For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon