Last Summer (ONE SHOT)

100 2 0
                                    

Yung lahat po ng nakabold ay flashbacks po yun. Yung hindi naman po ay present . :)) Enjoy.

______________________________________________________

LAST SUMMER

"Pwede bang magkita tayo?"

Okay.Okay. Kalma.

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Hindi. Hindi. Hindi ko talaga kayang kumalma. Ikaw kaya ang itext ng Crush mo ng ganyan? PM yan. Panigurado talaga :">

Pero siyempre kailangan ko magpakipot muna. Well, it's a girl thing. To some. Hahaha.

So I replied, "Ako?Bakit?"

Syempre pacurious effect muna ako. I want to be so sure na ako nga yung pini-em ni Arvin.

Yea. His name is Arvin. Definitely my type. Tall. Dark. And very very handsome..

"May sasabihin lang ako." reply niya

Kinabahan naman ako. Is it good kaya or is it bad? Sana naman good.

I replied. "Sige. Bukas ng mga hapon?"

Hmmm. Ano kaya ang dahilan. Nangutang ba ako sa kanya? Sobrang ingay ko ba? Hala. Baka nga. Araw-araw ba naman akong kumanta't magsisigaw dito sa bahay siguradong mabubulabog ang mga kapitbahay ko. And yea, Arvin is my neighbor. Mga 3 houses away from us. Oh diba? Ang lapit lapit lang. Naku baka nga naingayan. Ieeh? Naturnoff na sakin. :/

"Osige. Matulog ka na. Night." he replied

Kyaaaaah! Matulog na daw ako. Pero bakit walang smiley? Hala. Hayae na nga. Matutulog na nga ako. Pinapatulog niya na ako eh. ^__^

---

Hay. Eto na umaga na naman. Okay. Naligo na ako. Kumain at bumalik ulit sa kwarto upang mag-internet. Iintayin ko na lang siyang magtext at lalabas nalang ako ng bahay. Ganito kasi ang buhay ng isang tamad na katulad ko tuwing bakasyon. Hahaha.

Bandang mga alas-4 ay nagtext na si Arvin.

Bago ako lumabas ng bahay ay tumingin muna ako sa salamin. At nang makuntento ako, lumabas na ako.

Gosh. Ayun siya sa may puno. Ang gwapo gwapo niya talaga. Hayhayyy. Lumapit na ako sa kanya.

"Hi Arvin." pambungad ko sa kanya

"O andyan ka na pala, Elisa." Ganda ng boses niya. Bat ganun? Hindi naman kagandahan pangalan ko pero kapag siya yung bumibigkas, feeling ko ako na yung may pinakamagandang pangalan.

"Ah? Oo nga ehh. Hehehe." sabi ko

"Hmmm. Tara? Lakad lakad muna tayo dito sa subdivision?" siya

"Sige.." sagot ko sa kanya

Ano na ba talaga ang nangyayari? But one thing is for sure. Kinikilig ako.

Tinatanong ko siya kung ano yung sasabihin niya but he is always changing the topic. Okay lang. Intayin ko nalang. I'm enjoying his company naman.

Pabalik na kami.

Huminto siya dun sa bench at umupo. Tinabihan ko naman siya at naupo narin. Malapit na ito sa mga bahay namin. Mga isang kanto na lang.

"Ah, Elisa?"

"Hmmm?"

"Yung sasabihin ko nga pala....."

Nakatingin lang ako sa harapan ko. Iniintay yung sasabihin niya. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil sobra sobra talaga ang kaba ko.

"......Gusto kita."

At last. Ilang minuto ko ring inintay yung sasabihin niya. Ano nga yung sinabi niya? Gusto kita? Hah?! Gusto niya ako?? Nakatingin parin ako sa harapan ko. Pilit na iniisip kung tama ba yung narinig ko.

"Elisa.."

"Hmm?" tumingin na ako sa kanya

"Sabi ko, gusto kita.."

"Ahh. Ehh? Pagabi na. Tara na uwi na tayo?"

"Ah, oo. Si-ge. Sige, tara na."

Hindi ko naman inexpect na yun ang sasabihin niya.

Hala ano nang gagawin ko? Andito na kami sa mga tapat ng bahay namin.

Bahala na.

Tinawag ko siya at nilapitan bago pa siya makapasok ng bahay nila.

"Arvin. Gu- gusto rin kita. Cge bye." sabi ko sa kanya at bigla akong tumakbo papuntang bahay

Tama ba yung ginawa ko? Gusto ko naman talaga siya. Anong masama sa pagcoconfess ng feelings ko sakanya. Wala naman siguro diba?

---

Dumaaan ng mabilis ang mga araw. Hindi kami yung tipo na laging magkatext ni Arvin. Minsan lang. Sapat lang. Pero sa minsan naman na yun, lagi niya akong napapangiti at pinapakilig. Kaya okay lang sa akin.

Dahil bakasyon/summer may mga liga rin sa lugar namin. Kasali sa isang team si Arvin. Inalam ko kung kailan yung mga laro niya. Nagpapasama sa bestfriend kong si Janna para mapanuod at masuportahan lagi ang mga laro niya.

Kinikilig ako. Dahil bawat laro niya, bago niya ishoot ang bola, tumitingin muna siya sakin o di kaya'y kinikindatan niya ako. Hayyy.

Minsan naman lumalabas rin kami. Pasyal. Kain. Kwentuhan.

---

And I thought okay na. Masaya na. Yun pala hanggang don lang. May limitasyon. May expiry date pala. Hindi ako nainformed dun.

Naalala ko na naman lahat. Yung mga masasayang memories with him. Summer na naman ngayon at summer rin nung nangyari lahat ng magagandang alaala. Last Summer. 1year had passed na pero tandang tanda ko parin ang lahat ng nangyari. Bakit siya ganun? I mean bakit ganun ka, tadhana?

---

Tapos na ang summer at pasukan na ulit. Same school kami ni Arvin ng pinapasukan. Magkabatch kami pero hindi kami magkaklase. Saklap diba?

Nung unang linggo ng klase pinapansin pa naman niya ako sa school. Pagkatapos non, hindi na. Hindi niya narin ako pinapansin sa subdivision namin. At yung minsan niyang pagtetext, hindi narin nangyari. Wala na. Tinetext ko siya, hindi siya nagrereply. Iniiwasan niya ako. Ewan ko kung anong nangyari. Bakit bigla nalang ganon. Ako ba yung may kasalanan? Saka... pwede naman siguro magpaalam. I mean pwede naman niya akong kausapin para maintindihan ko diba? Pero hindi niya ginawa yun. He left me hanging.

---

Sana hindi nalang natapos yung summer last year. Sana hindi talaga. Ang saya saya non. Gusto ka ng taong gusto mo, parang wala ka nang hihingin pa...

I see the sun and remembered something, something that turned my face upside down. He only broke the most fragile thing I treasure most. Thought that he's the one but he left me. Realizing that he loved me only last summer.

This will also be the Last Summer na aalalahanin ko ang lahat. Kakalimutan ko na lang na nangyari yun dati. Wala naman mangyayari kung itatago ko pa ang mga alaalang yun.Yung feelings ko para kay Arvin. Yung mga nangyari noon. Di na naman maibabalik yun. Wala na.I have to move on kahit hindi madali dahil malapit lang kami sa isa't isa at magkaschool pa. Pero pipilitin ko talaga. Hindi siya yung para sa akin. At hindi ako yung para sa kanya. Dumaan lang siya siguro sa buhay ko..

- itsmeMiCey

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Summer (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon