❤ Magical 4 ❤

20.9K 432 20
                                    

Kathryn's POV

"Okay~ Bago tayo magsimula, ipakita niyo muna sa akin kung ano ang mga kaya niyong gawin with your powers" nakangiting ani ni miss. "So, let's start with... " pambibitin niya samin na ikinabusangot naman ni Kiray.

"Ano ba yan miss! Pabitin much? " nakangusong sabat ni Kirs na tinawanan naman ni miss.

"Hahaha! Oh siya sige, dahil ikaw naman ang atat na atat na. Ikaw na magsimula Kiray. " natatawang ani ni miss.

"Hay buhay! Heto na po. " nakangusong sabi ni Kiray at nagsimula nang pumunta sa may gitnang parte ng green house kung saan mayroong malawak na space.

( A / N : Para po doon sa mga nakakalimot, Fire and Air ang powers ni Kiray. ^-^) 

Sinimulan ni Kiray na ipamalas na muna ang Fire power niya. Binuksan niya ang palad niya at dahan-dahang namuo ang isang maliit na bolang apoy roon. Ang fireball ay unti-unting lumaki hanggang sa maging kasinglaki na ito ng manibela ng sasakyan. Pagkatapos, para sa Air power naman niya, ginamit niya ang hangin para maging stable ang fireball kahit wala na sa palad niya. Then pinaikot-ikot niya sa aming lahat ang fireball.

Napangiti naman si miss bago nagsalita. "Good Job Kiray! Not bad from a beginner like you." panimula ni miss.  "Nagawa mong ibalance yung Fire and Air." patuloy na bati nito kay Kiray na nginitian naman ng huli bago bumalik na sa tabi namin.

Bumaling naman ang atensyon ni miss sa lalaking katabi ni Kiray. "Next is... Ej!" nakangiting ani nito.

Pumunta naman kaagad si Ej sa harapan nang marinig niya ang pangalan niya. Plants and Air naman ang powers ni Ej by the way.

Pumikit muna si Ej. Napangisi naman bigla si Neil. Bibihira lang kasi naming makita ang seryosong expression kay Ej kaya siguro ganyan rection ni Neil. Mukhang super nagcoconcentrate talaga siya.

Ilang segundo lang nang makapwesto siya, ay bigla nalang may malaking ugat ng puno na lumabas sa lupa. Agad namang tinubuan ng mga naggagandahang flowers and leaves yung puno. Hindi pakami nakakamove on sa kagandahan ng puno nang mapanganga naman kaming lahat kasi pagkumpas ni Ej ng kamay niya, bigla nalang nagsilabasan ang mga tinik sa paligid ng puno at tinusok ito, therefore damaging the beautiful creation na ginawa niya kanina.

As for the Air power niya naman, gumawa siya ng whirlwind at ipinatama sa punong napapalibutan ng tinik para tuluyan na itong sirain. Napapalakpak naman kami lahat after with matching cheer sa galing ni Ej.

" Wow! Very Good Ej! Mukhang nag papractice ka ng maigi ah." proud na bati ni Miss.

"Hahaha! Hindi naman po masyado miss." nahihiyang ani ni Ej sabay hawak sa batok niya bago naglakad na uli pabalik sa tabi namin.

"Okay, next naman. Hm~ Ikaw na, Neil. " ani ni miss. Agad namang tumango si Neil kay miss at sumaludo samin bago pumunta sa gitna. Earth and Air ang kay Neil guys.

Itinaas ni Neil dahan-dahan ang mga kamay niya. Kasunod nito ay ang pagtaas naman ng isang malaking pader mula sa kailaliman ng lupa. Nakangiti nalang akong napatango-tango sa pag-acknowledge sa ginawa niya. Itsura pa lang kasi nung pader mukha talagang matibay ito. 

After nun, as for the Air powers naman niya, gumawa siya ng napakalaking hurricane. Lahat kami ay napakapit sa isa't isa nang halos liparin na kaming lahat sa lakas ng hurricane na ginawa niya. Bagamat maraming dumi at lupa ang nagliliparan, nagfocus lang si Neil sa pagcontrol ng hurricane at ipinatama na ito sa wall na naging dahilan ng pagkahati ng pader sa dalawa.

"Wow. Good Job Neil! Magaling ka sa Offense and Defense!" mukhang bilib rin na bati ni miss kay Neil, na ikinahangin naman ng isa.

"Siyempre naman miss! Kaya ang gwapo ko eh." sabi ni Neil sabay pogi sign pa habang papalapit samin dito sa gilid.

Magical Academy [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon