Kaibigan kasi kita...

6.3K 80 33
                                    

Kaibigan ko na si John simula ng bata pa kami. Palibhasa’y halos magkasing-edad lang kmi, pareho kami na may hilig sa musika, at idagdag pang magkalapit ang mga bahay namin sa isa’t isa, naging mag-bestfriend kami kaagad.

Nagsimula lang ako makaramdam ng kakaiba para sa kanya nang pareho na kming pumasok ng high school. Hindi ko alam kung paano nangyari un, basta alam ko, pagtawag niya sa ‘kin isang araw habang nasa corridor kami, tsaka ko lamang nakita kung bakit marami ang nahuhumaling kay John. Dun ko lang nasiguro sa sandaling yun ang isang bagay sa matagal ng naglalaro sa isip ko: mahal ko na pala talaga siya. Ayoko lang aminin sa sarili ko, at lalong ayokong aminin sa kanya. Baka masira lang ang pagkakaibigan namin.

Kaya naman tinago ko ang nararamdaman ko hanggang sa nagtapos kami ng highschool at umakyat papuntang kolehiyo. Akala ko okay lang ang lahat. Hindi pala.

Una kong napansin ang pagbabago sa kilos niya nung mapasama siya sa varsity team ng basketball sa University namin. Hindi ko pinansin yun nung una, pero nang nagsimula siyang hindi sagutin ang mga tawag ko, hindi ako harapin sa tuwing pupunta ako ng bahay nila kahit alam kong andun siya, at magpumilit na iwasan ako sa loob ng unibersidad, nagsimula na akong mangamba. Nilalayuan na ko ng bestfriend ko. Nilalayuan na ko ng mahal ko.

Isang gabi, sinwerte akong makita siyang nagiisa sa loob ng gym, nakaupo habang nagpupunas ng pawis. Kakatapos niya lang ata ng practice, kaya naman nilakasan ko na ang loob ko na puntahan siya at kausapin.

“Hi John. Kamusta ka na?” Bati ko sa kanya.

Imbes na makatanggap ng mahigpit na yakap mula sa kanya (gaya ng ginagawa niya sa kin sa tuwing nagkikita kami nung highschool), isang matalim na tingin ang pinukol niya sakin.

“Bakit ka ba nandito? Bawal ang ibang estudyante dito pag gantong oras.” Singhal niya sakin.

“Kakamustahin lang naman sana kita eh.” Nagtatampo kong sagot.

“Oh, ngayon, nalaman mong okay ako, pwede ka na bang umalis?!”

Dun na nagpanting ang tenga ko. “Ano ba kasing problema mo? Nahihiya ka bang makita na kasama ako dahil hindi ako sikat kagaya mo? Hindi ako popular tulad niyo?!” pasigaw kong sabi.

“Hindi naman sa ganon… kaya lang kasi…” nagaalangan niyang sabi. Na lalo kong ikinainis.

“ Ano ?! kaya lang ano ?!”

“Kaya lang may gusto ka sa kin!!” sigaw niya.

Natigagal ako ng ilang sandali. Pano niya nalaman yon ? Ngunit mas matalim ang realisasyon na naicp ko ng mahihimasmasan. Umiral ang pride ko.

 Eh ano naman ngayon?Jusko, hindi ka na ba pwedeng abutin ng mga taong tulad ko? So alien ka na, ganon? sa isip isip ko.

“Bakit, hindi na ba ko pwedeng magkagusto sa kaibigan ko?”

“Hindi.” Sabi ni John sa maliit na boses. 

”Bakit hindi ?!"

Wala siyang imik. Nagpatuloy ako.

“Hindi mo ba ko kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sa’yo?” Ayan na. Parang nasabi ko natuloy talaga na may pagtingin ako sa kanya.

“Hindi.”  Ulit ni John. Aray.

“Bakit nga?!" Gigil kong sabi.

“KASI HINDI PWEDE GEORGE!! HINDI AKO PUMAPATOL SA KAPWA KO LALAKE!!” sigaw niya.

May sumabog sa loob ng dibdib ko, isang pagsabog na ako lang ang nakarinig. Parang may bombang pumutok, pero bakit parang ako lang yung apektado…?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na napatitig sa kanya, o kung ako ba talaga yung sumampal ng malakas sa kanya, pero nakita ko na lamang ang sarili kong tumatakbo patungo ng bahay namin, habang tumutulo ang luha ko sa pisngi ko.  Hindi ko na namalayan na patawid na pala ako ng daan, di na narinig ang sasakyang bigla na lang sumulpot sa kanan ko, at di na rin naramdaman ang pagbundol nito sa katawan ko. Mas masaklap yung sakit na nadarama ko sa dibdib ko, at napangiti na lang ako ng mapalis ito, nung lamunin na ng kadiliman ang paningin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kaibigan kasi kita...Where stories live. Discover now