Chapter 9: Ice Cream
Nasa bahay na kami pero wala akong imik. Tutal ay tulog naman si Aki kaya di ko na kailangan pang makipag converse sa bipolar niyang tatay.
Iniakyat ni Alex si Aki ng dumating kami kasi nga nakatulog ito. Habang ako ay nandito sa kitchen at abala sa pag aayos ng mga pinamili namin.
Medyo padabog pa ang mga kilos ko kasi masama ang loob ko. Ako na ang feelingera pero kasi gusto ko talagang nagpanggap nalang kami ni Alex kanina na mag asawa. Hindi ko kasi gusto ang rumehistrong ngisi sa mukha ng babaeng kausap ni Alex kanina.
Pero naisip ko din na baka kasi wala naman dahilan na magpanggap kami ni Alex na mag asawa. At saka isa pa, baka hanggang ngayon ay loyal pa rin yun sa sumakabilang buhay na asawa nito.
Nilagay ko ang huling batch ng karne sa freezer. Pagkasara ko nun na medyo padabog pa rin kaya nagulat na naman ako ng makita ko sa Alex.
"Bat ba lagi ka nalang sumusulpot sa kung saan?" Naiirita kong sita sa kanya.
Tinalikuran ko siya at nagtungo nalang sa may lamesa. Hindi pa kasi ako tapos. Ang dami ng biniling grocery ni Alex na para bang wala siyang balak umalis sa bahay na yun sa loob ng isang buwan. Ang OA naman kasi sa dami ng pinamili. Wala naman sa listahan yung iba. Hindi ko nga alam kung ano ang laman ng ibang plastic bag dito.
"Nagdadabog ka ba?" Tanong nito na nasa tabi ko na. Hindi ko namalayan na sumunod siya sakin.
Lihim akong napaismid. "Hindi naman po Sir." Sagot ko.
"Sir? Why are you calling me Sir now?"
Binuksan ko ang isang plastic bag at kinuha ang mga spices doon.
"Eh kasi nga AMO PO kita." Sarkastikong tugon ko saka nagtungo sa kinaroroonan ng lagayan ng mga spices at nilagay doon ang mga dala ko.
"Really? Then why are you using a sarcastic tone on your AMO then?" Tanong na naman nito.
Napahinto ako sa pag lalagay ng mga spices. At pilit na kinakalma ang sarili. Hindi ko alam pero napipikon na ako sa kanya. Bat ba ang kulit niya?
"Eh kasi nga, di naman tayo yung mga tao na may ordinaryong AMO-SERVANT relationship dito. Unang una, nurse ako, sa ospital ako nag apply para magtrabaho. Pangalawa, pinilit niyo lang ako na maging Yaya. Pangatlo, kakilala or rather, kaibigan ka ng kapatid ko. Naiintindihan niyo po ba ako Sir?" Tanong ko kapagkuwan ay hinarap ito.
Nakasandal lang ito sa may lamesa habang nakahalukipkip at amused na nakatingin sakin.
Wait. Amused? Ano namang nakakaamused dito?
"So what's really the point why are you acting like this?"
Ano raw? Yun ba ang pinag uusapan namin kanina? Parang hindi naman yata?
"Huh?" Confused kong tanong.
"Why are you upset? Did I do something to make you upset?"
Hindi ko na siya magets. Ano ba talaga ang tanong niya?
Umayos ito ng tayo ng hindi ako sumagot agad. Unti unti itong naglakad palapit sakin habang ako ay nakabantay lang sa bawat kilos niya.
"Tell me, are you upset on something that I did? Tell me what is it? I can feel your hatred on me." Halos pabulong na sabi nito ng makalapit na sakin.
Halos gahibla na lang ang layo namin at bigla nalang akong kinabahan.
'Bat ang lapit niya sakin?'
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven