"Oh ano? Tayo nalang?" yan nanaman sya sa mga datingan nya. Okay lang sana kung seryoso sya eh. Kaso pucha lang! Iba ang mahal nya. Tapos ako ang tatanungin nya ng ganyan? Okay lang ba sya? Nakashabu ba sya? Nakakasakit na ah!
"Ewan ko sayo Shine." sabi ko at tumayo nalang mula sa pagkakaupo. "AAAAAY! Buhay parang Life" sabi ko habang naginat.
"Hahaha! Sabi ko naman sayo Kurt. Tayo nalang eh." tinignan ko naman sya. Tangina seryoso ba talaga sya?!
Tapos tumayo naman sya mula sa pagkakaupo nya kanina. Tinignan nya ko. Nginitian. Isang magagandang ngiti mula sa napakapula at magaganda nyang labi. Ahhh! Fuck! Ano ba tong naiisip ko?!
"Odiba? Tayo nalang. Nakakainit kasi sa pwet pag nakaupo lagi eh. Kaya tayo nalang. Hahahahaha" sabi na eh. Yan naman lagi pambawi sakin ng pugak na babaing yan e. Tayo nalang Kurt? Tayo nalang? Pero kwento naman sya ng kwento tungkol sa mahal nya. Ang masaklap! Iba ang ibig nyang sabihin sa Tayo Nalang. Pucha! Parang pinaglalaruan nya lang ang feelings ko eh.
"Ts, dami mo pauso." sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa bulsa ko at iniwan na sya dun. Nakakabanas yang babaeng yan! Puro kalokohan lagi laman ng isip eh.
"Hoy! Kurt! San ka pupunta?!" sa lugar kung san wala ka at malaya ako.
"Sa Impyerno! Sama ka?!" sigaw ko ng hindi sya nililingon. Hindi na rin naman ako nagkakamali. Hindi nya na ko sinundan. Malamang andun na sya sa mahal nya.
Pero anak ng pucha Joke lang yun! Andito sya ngayun sa likod ko na parang tangang aso na sunud ng sunod sa amo nya. Akala naman nya hindi ko sya nakikita?! Twing lumilingon naman ako kunwari nakatalikod sya at may kinakausap na iba o kaya naman titingin din sa likod nya o magtetext. Tapos minsan naman nahuli ko syang biglang nag-gwiyomi, "Tsk. May sira na talaga." bulong ko sa sarili ko habang pailing-iling.
Ano bang klaseng babae si Shine? Sya yung tipong, Nakakainis at Nakakaburyong kasi laging nakasunod. Tawa ng tawa! Pa-cute lagi. Ang ingay-ingay. Laging nagsasabi ng 'Tayo Nalang' pero iba naman sa totoong meaning. Pero bakit lihim ko pa rin syang minamahal?
Shet. San ko ba nakuha yun?! Ewan!! Pero yun naman ang totoo eh! Mahal ko si Shine. Oo dati pa! Noon palang nung pinakilala sya sakin ng tropa ko, nagkainteres na ko sakanya. Idagdag nyo pa ang pagiging friendly nya at palangiti pa. Yan! Nahulog na tuloy ang kuya nyo.
Kaso may iba syang mahal eh. Oo meron nga! At ang sakit lang kasi lagi nya pang kinukwento yun sakin. Pucha! Ano namang pakielam ko dun?! Baka sikmuraan ko lang yung ugok na yun na hadlang sa pagiibigan namin ni Shine eh!
Taena. Nababading na ko dito. Daldal ako ng daldal at kinakausap tong sarili ko. Sembu! Ganito ba pag-Inlove? Tsk!
Nilingon ko naman si Shine na kasalukuyang sumusunod pari--
Teka! Sino yung kumakausap sa kanyang lalaki?! Gago to ah! Nakalingat lang ako tapos kinakausap na agad tong shine ko? Yuck shine KO? Possesive.
Lapitan ko na nga lang at baka pormahan pa ng ungas na to!
"Sunshine musta ka na?" sabi nung ungas
"Eto okay lang renz, ikaw?" aha. Renz pala pangalan nito hah.
"Ok lang din. Makakapunta ka ba sa Grand Ball sa sabado?"
"Ah.. Yung Grand ball? Sig---"
"Hinde. Busy sya, pasensya na pare." pagsingit ko naman sakanila. Anong Grand Ball ha?!!
"Kurt?! Pano mo nalam--" sabi ni shine
BINABASA MO ANG
Uy, Tayo Nalang? [One Shot]
RomanceYan nanaman sya sa mga datingan nya. Okay lang sana kung seryoso sya eh. Kaso pucha lang! Iba ang mahal nya. Tapos ako ang tatanungin nya ng ganyan? Okay lang ba sya? Nakashabu ba sya? Nakakasakit na ah!