Hi !! I'm Margot..
Anne Margot Gutierrez..
23 years old..
Hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng manliligaw ko umaatras pag dinala ko na sa condo ko.. Eh ako lang naman ang nakatira doon.. Hoy!! Wag kayong green readers!! Masyado kayo ah.. Haha..
Ang hindi ko lang alam eh kung bakit pag papasok na kami sa loob ng condo ko at papapasukin ko na sya eh parang laging nakakakita ng multo.. Nakatingin sa may likod ko at nanlalaki ang mata.. Para bang nakakita ng mamamatay tao.. Psh..
Katulad na lang nung isang araw.. May isang lalaki na naman ang gusto daw manligaw sa akin.. Nung dinala ko naman dito ganun na naman ang reaction nya.. Nanlalaki ang mga mata nya at nanginginig.. Saka sasabihing.. "Ah eh.. U-una na ko!! H-hindi pa pala ako pwedeng mag girlfriend.. S-sige .. B-bye!!" Saka tatakbo palayo.. Sus!! Eh ang alam ko nga kakabreak lang nila ng girlfriend nya nun.. Tss..-__-"
Ngayon naman gustong manligaw sakin ng office mate ko.. Mukha naman syang sincere tapos nag aya sya ng dinner date kaso ayaw daw nyang gabihin ako ng uwi kaya sa bahay ko na lang.. Pumayag naman ako.. Pagpasok namin ng condo ko.. As usual.. Ganun yung itsura .. Nanlalaking mga mata?? Check!! Nanginginig na tuhod?? Check!! Nakanganga?? Check!! Hinihintay ko na lang ang sasabihin nya kaso iba ang sinabi nya kumpara sa sinabi nung ibang lalaking dinala ko dito..
"Opo!! Hinding hindi ko po sya sasaktan.. Pangako po yan!!" Sabay ngiti.. Pero hindi sa akin kundi sa may bandang likod ko.. Yung totoo?? Nasa likod ko ba parents ko?? Psh.
Lumingon ako sa likod ko.. Parang bumalik sakin lahat ng emosyon ng mga lalaking dinadala ko dito.. Nanginginig ang tuhod ko.. Nanlalaki ang mga mata ko.. Malamang ay nakanganga na din ako.. Pano ba namang hindi??
Paanong hindi ka magkakaganoon kung nakita mo ang lola mong kamamatay lang sa likod mo??
"L-lola??" Halos naiiyak kong tanong..
"Oo apo.. Ako nga ito.." sagot naman nito sa akin..
Ngayon ko lang napagtanto ang lahat.. Kaya pala.. Kaya pala ganun ang reaksyon nilang lahat.. Kaya pala ganun ang nangyayari palagi..
Dito kasi sa akin nakatira ang lola ko dati dahin na din close kami.. At sa kasamaang palad eh..
Dito din sya namatay..
Pero hindi sya dito binurol ah.. Sa bahay namin.. Yung totoong bahay namin.. Yung malaki.. Nagpaka independent lang ako kaya ako nag solo.. Keri lang naman kasi may work naman na ako kaya hindi ako nahihirapan sa mga expenses ko..
Pero anong ibig sabihin nito?? Binabantayan ako ng lola ko?? So ibig sabihin lolokohin lang ako nung mga lalaking dinala ko dito dati?? At tinakot silang lahat ng lola ko.. Maliban sa kanya.. Kay John Kristoff Medina.. Ibig sabihin sya ang pinili ng lola ko para sakin?? Ibig sabihin hindi nya ako sasaktan?? Ibig sabihin mahal nya talaga ako..
"Pero pano pong--??" umiiyak kong tanong sa kanya..
"Shh.. Tahan na apo.. Hindi ko kayang makita kang ganyan.. Kaya ako nandito kasi binabantayan kita.. Ayoko kasing maging miserable ang buhay mo eh.. Pero ngayon okay na siguro.. Kasi hindi ka nya sasaktan.. at sigurado ako doon.."
"Lola.." umiiyak kong tawag sa kanya.. Ano ba tong luha na to.. Traydor!!
"Shh.. Don't worry apo.. hinding hindi ka nya lolokohin.. hindi ba??" Tanong nya kay Kristoff ..
"Opo!! Hinding hindi ko po sya sasaktan.. Pangako po yan.." sagot naman ni Kristoff..
"Mabuti naman.. makapagpapahinga na ako ng maayos.. Sana huwag kayong magkasakitang dalawa ah.. Sana hindi kayo maglokohan.. Margot apo.. Kailangan nang umalis ni lola ah.. Ingatan mo palagi ang sarili mo.. Lagi kang magpapakabusog.. Wag kang magpapakapuyat.. Baka pumangit ka.. Sige.. kailangan ko nang umalis eh.. mag iingat kayong dalawa.. Paalam apo ko.. mahal na mahal kita.." saka lumiwanag at pagdilat ko ay wala nang muli ang lola ko.. Paalam lola.. mahal na mahal din po kita. Ikaw ang aming Spirit of love..
~~~
An: Sabi sa inyo super short lang eh.. Haha!! Sana nagustuhan nyo!! Pa follow naman po sa fb.. :)) Abigail Aguirre Suba.. Yun lang.. Thanks for reading!! :))
-AbbySuba ♥♥♥