Eleksyon

82 2 0
                                    

Mayo 13,2013 araw ngayon ng Halalan, Wala kaming tulugan,dito sa Kiblawan..

Eto ang aming Bayan,dito ako isinilang,sampu ng aking mga magulang;

Oo malayo ito sa kabihasnan, subalit magaling at mababait naman ang mga naninirahan;

Halikayo at iniimbitahan ko kayong kilalanin at  bibitahin ang aming pamayanan...

Sikat etong bayan namin,kahit mahirap pero masarap

Salat kami sa yaman, kaya buhay namin ay simple lamang

Pero may mga taong nanggugulo doun  sa ibayong dako

Kaya naman lagi kaming nagdarasal upang sa sakuna kami ay mai-adya...

Eleksyon na po, takot kami sa pangugulo, ano ba nman aming politiko bumibili ng mga boto!

Nakakatakot di po ba, mahirap na nga kami sila po ay nang-iisa

Datapwat mayan sila,sambyana'y nilulupig ng pera nila,

Ganito palagi ang Eleksyon dito sa amin, kapag wala kang pera,madali kang talunin..

Kaya mga Kabataan humanda na, isusulong natin ang reporma

Sana naman kayo ay magtanda na, hindi pera lagi nating bala!

Serbisyo publiko di dapat binibili,kailan man di'y hiningi;

Dapat nating paghihirapan, upang masarap na tagumpay ating makamtan...

Punta kayo sa Bayan namin, di nga't maganda pero kaaya-aya

Mababait na mga tao, Matatalino't Magaganda pa...

Tahimik naman kung walang Halalan

Relihiyuso at Magagalang at maaasahang Kaibigan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EleksyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon