Sumunod na taon, tumigil ka sa pagpaparamdam sa akin. Nawala yung sweetness mo, nawala yung sobrang pag-aalala mo sa akin at nawala yung pangungulit mo sa akin araw-araw. Nabawasan yun hanggang sa tuluyan ka ng naglaho sa buhay ko.
Sobrang nalungkot ako nun pero kinumbinsi ko ang sarili ko na, baka lang talaga na-trip mo ako sa mga panahong iyon. Yung tipong ako ang paborito mong tao sa mga oras na yun. At ngayon ay nagsawa ka na. Naiintindihan ko naman. Pero sana, sinabi mo sa akin na... Isang laro lang pala ang lahat ng ito para sayo. At nang napaghandaan ko at hindi na umasa pa na talagang ako'y magugustuhan mo.
Hanggang sa isang araw, nag-krus na naman ang ating landas. Iiwasan na sana kita kaso bigla mo akong hinarang. Abot langit ang mga ngiti mo nung araw na yun. Hindi ko mabasa kung ano ang nilalaman ng isipan ko. Hindi naman ako si Madam Auring at wala akong telekinetic powers. Tapos... Bigla mo na lang ako niyakap at hinalikan sa pisngi.
Natulala ako at hindi nakagalaw sa ginawa mo.
Hinintay ko ang sasabihin mo pero bigla ka na lang umalis ng walang pasabi. At iniwan ako na naguluhuhan muli. Ano ba talaga ang gusto mong ipahiwatig?
Kasi litong-lito na ako. At sa totoo lang, ayoko itong nararamdaman ko.
Ayokong umasa, masakit, mahirap, nakakawindang. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin para ma-himay ko ang inaakto mo sa harapan ko.
Ano ba iyon? Ano ba talaga ang gusto mong iparamdam sa akin?
Kalahati ng utak ko ayaw nang maniwala at bitawan na lang ang aking pinanghahawakan na mga sandali. Pero kalahati nun ay... Gusto pa din umasa na sana ako talaga ay totoo mong gusto.
Ang hirap naman kasi. Pasensya na, bago lang ako sa larangan ito. Tunay nga na ang pag-ibig ay isang napakalaking laro na dapat ay maalam at marunong kang panghawakan ang iyong puso.
Pasensya na ulit dahil hindi pa talaga ako marunong sa ganitong bagay. Di tulad ng sayo na alam mo na ang pasikot-sikot sa puso ng isang babae.
Naririnig ko kasi na magaling ka sa ganun. Magaling ka magpakilig, magaling kang magpaikot ng isang puso sa iyong palad. Bibilug-bilugin mo hanggang sa makabuo ka ng isang bilog na hugis. At kapag tapos ka na ay iiwanan mo na lang ito o di naman kaya ay itatapon mo na lang kung saan.
Do I sound bitter?
Di bale, hindi rin naman kita matitiis. Masyado kang malakas sa akin. Kung sakali man na isa lang itong katuwaan sayo, ayos lang. Mapapatawad pa din kita. Kasi...kahit papaano ay naparamdam mo sa akin kung paano maging isang babae. Na sinusuyo, pinapahalagahan at sinasabihan na ako'y maganda kahit ang totoo niyan ay hindi naman talaga. Ewan ko ba sayo kubg ano ang trip mo sa tuwing pipisilin mo ang pisngi ko at sasabihan na cute ako. O di naman kaya pag iniipit ko ang buhok kong laging nakalugay at sabog dahil sa natural netong pagka-kulot. Lagi mo akong sasabihan na maganda ako, na cute ako, ang ganda ng mga mata ko,na ang masarap akong titigan.
Minsan nga, gusto kong itanong sayo, bulag ka ba? Naka-droga o di naman kaya ay naka solvent?
Hahaha!
Pwera biro, gusto ko na talagang itanong iyon sayo kaso nahihiya ako at baka mabara lang ako sa hindi pagkapasok sa banga ng hirit ko.
O siya, hanggang dito na muna ang liham ko para sayo. Marami pa akong gustong sabihin. Hintayin mo lang dahil sa susunod na sulat ko ay ikwekwento ko na ang lahat lahat.
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...