Chapter 7.

933 22 3
                                    

 

PATRICIA’S POV.

 

 

 

 

 

 

 

 

6AM?! Diyos ko, sa lahat ng pwedeng mangyari sa buhay ko bakit ito pa?!

Hindi ako ganito oras gumigising. Madalas na kong gumigising ng mga alas-siyete o alas-ocho para lang ipaghanda ng almusal ang mga magulang ko. Tapos ngayon, ganito lang?

Nanay Pearl: “Maganda yan anak. May mapagkikitaan tayong extra.”

 

Yan ang sabi sa’kin ni Nanay Pearl kagabi ng ikwento ko sakanya na ako ang kinukuhang ‘PERSONAL ASSISTANT’ ni Sir Paulo.

Pero, hindi pa ito alam ni Tatay Lito kasi baka mag-alala lang sa’kin yun ng sobra.

Jonas: “Oh, ba’t nakasimangot ka? Ang aga-aga ganyan ang muka mo.”

 

Me: “Wala. Hindi kasi ako sanay e. Parang nabigla ako.” Sabay kamot ko sa ulo.

Naglalakad na kami ni Jonas papunta sa loob ng bahay ni Sir Paulo.

Jonas: “Ayaw mo nun? At least, may magagawa ka na dito sa hacienda. Hindi ka na mangungulit ng mga nagtatrabaho dito. May sarili ka ng buhay.” Biro pa sa’kin ni Jonas.

Me: “Pero, seryoso Jo. Hindi ako sanay. Naiinis ako!”

 

Jonas: “Huwag ka ng magreklamo, Patring. Andiyan na e. Tsaka, madali namang pakisamahan si sir.”

 

Me: “Oo, sa’yo madali kasi lalaki ka. Pero sa’kin mukang mahirap.”

 

Jonas: “Depende naman sa’yo kung paano mo siya pakikisamahan.”

 

Okay, okay! Hindi na lang ako magsasalita. Mas kilala nga naman ni Jonas si Sir Paulo kesa sa’kin.

~

Ayan na. Naka-apak na kami sa loob. Pero, hindi pa naman gising si Sir Paulo.

Jonas: “Oh, anong tinatayo-tayo mo diyan Pat?”

 

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon