Chapter 4 Apathy with Women

19.3K 540 10
                                    

Noah's POV

Since na niloko ako ni Margie nag iba na ang tingin ko sa mga babae. Wala akong may sineryoso sa kanila at lahat sila pinaglalaruan ko lang.

Nagulat ako na may dinalang kaibigan sa birthday party ko ang bunso naming si Mae. Malayo pa lang napansin ko na ito dahil mas matangkad ito sa pang karaniwang babae. Maputi at mahaba ang buhok. Lahat napalingon sa kanya. Nang isa sa mga kaibigan kong lalaki nagsalita. "Wow pare chicks! Sino ba yan Noah?" Tanong nito. Hindi pa nga nakadamit ito ng maayos. Naka puting t shirt at jeans lang ito.

Parang kunyari hindi ko binigyang pansin ang nakita nito. "Hindi ko siya kilala. Inom lang guys. Marami pa tayong drinks." Sabi ko sa kanila. Yun ang naalala ko ng una kong makita si Audrey.

Nandito siya ngayon sa loob ng kotse ko, napakalapit pero sa malayo ito nakatingin. Isang tanong, isang sagot lang ito. Nakatingin sa bintana ng kotse at mukhang umiiyak itong nagpupunas ng luha. Hindi maaantig ang damdamin ko sa mga babaeng umiiyak. Di ba ganyan din ang ginawa sa akin ni Margie? Hulihin ang weakness ko hanggang totally nahulog ang loob ko dito at iniwan ako.

Finally narating namin ang sinabi nitong apartment address niya. "Ah, hmmm... Siguro tawagin ko na lang kayong Sir Noah since ayaw niyo namang tawagin ko kayong Kuya Noah. Salamat sa paghatid." Sabi pa nitong umiiwas na tumingin sa akin.

"Ang mabuti pa ihatid na kita sa loob at ng makausap ko ang parents mo." Sabi ko pa dito.

Ngunit tumanggi ito. "Huwag na po Sir at wala na po akong parents. Mag isa na lang po ako sa buhay. Kamamatay lang kasi ng Tita Isabelle ko sa US na sumusuporta sa akin." Sabi nito na biglang nalungkot ang mukha at mayroon na namang namumuong luha sa kanyang mga mata. Parang madaling basahin ang pag iisip at nararamdaman nito. "Sige po Sir. Mauuna na po ako." Sabi pa nito sa akin.

"Just call me Noah." Hinayaan ko na siyang umalis at bumabang mag isa sa sasakyan. Bigla akong na guilty at sinundan ko na lang ito. Wala akong pakialam sa kanya. Gusto ko lang makasiguro na safe ko itong naihatid.

Nang buksan nito ang pintuan ng apartment napansin siguro na may sumusunod sa kanya. "Nagulat ako. Ikaw pala Noah. Akala ko kung sino ang sumusunod sa akin." Sabi niyang nakatutop ang kamay sa dibdib. "Pasok ka muna." Yaya pa nito sa akin sa loob ng apartment niya.

Ewan ko, hindi ako usually friendly sa mga babaeng ka me meet ko lang. Pero sa hindi ko inaasahan, sumunod akong pumasok kay Audrey sa loob ng apartment nito. Malinis ang loob ng apartment. Halos wala ng mga gamit sa loob nito. May mga nakabalot na na mga boxes.

Tumikhim ito. "Upo muna kayo Noah. Sorry wala akong pagkain o inumin except tubig. Gusto niyo ba ng tubig? Ilang araw na kasi akong hindi lumalabas. Mabuti at sinundo ako ni Mae." Mapait na ngiti nito.

Napa buntong hininga ako. "Don't worry aalis na rin ako. Sinisigurado ko lang na safe kang nakapasok sa apartment mo. Baka mamaya ang pamilya ko pa ang masisi kung may mangyaring masama sayo." Sabay talikod dito. I don't want to get any attachment from any woman and for pete's sake, she's a girl not a woman.

Malapit na ako sa gate ng marinig kong tinatawag ako ni Audrey. "Noah, salamat sa paghatid." Sabi pa nito sa aking puno ng lungkot ang boses.

Lumingon ako dito at sarkastikong sumagot. "Don't thank me. Thank my family. Pinilit lang nila akong ihatid ka. Otherwise walang Noah na maghahatid sayo." Sabi kong walang kaemo emosyon.

Tahimik lang itong sumunod sa likod ko upang isara ang gate. "Mag ingat ka Noah." Ang salitang hindi ko inaasahan na isasagot nito sa akin. Hindi ko man lang nakitaan ng galit o sagot na pabalang ito. Meron itong quiet demeanor na bihira na sa mga babae ngayon. Either mga palaban o aakitin ka ngayon ng mga babae.

Puno ng lungkot ang magagandang mata nito. Tahimik at magalang ang kanyang pananalita. Pero naisip ko na lahat naman ng babae ganyan sa umpisa. Huhulihin muna ang weakness mo, tapos lolokohin ka lang. Kaya after Margie wala ng mayroon mang makapanloko sa akin. I just have sex with them without emotional attachment. Parausan lang ang tingin ko sa kanila.

Mabuti at walang opisina bukas. Makapunta bukas ng condo ko at kailangan kong mapag isa. May mga oras na gusto ko mag isa lang ako. Since ako na ang pinapamahala nila Mom and Dad sa negosyo, maaga akong naging responsable. Kaya nga sa edad ko na 25 gusto na nilang may matino akong babaeng maipakilala sa kanila. Maraming mga babaeng hayagang nagpapakita ng interes pero ni isa hindi ko sila binigyan ng atensiyon.

Late akong nagising ng Saturday morning. Nasa dining table na silang lahat na nag aalmusal. "O Noah, umupo ka na at mag almusal." Sabi ni Mommy sa akin.

Nagsalita si Mae ang bunso naming kapatid. "Kuya salamat pala sa paghatid kay Audrey kagabi. Worried kasi ako sa kanya ng umuwi siyang mag isa. Para ko na rin yung kapatid. Magkaklase kami mula high school at naging bestfriend ko ng 4th year high school na. Kaklase ko din yan ngayon sa college pero 2 days ng hindi pumapasok." Sabi pa nito.

"Wala naman akong choice kundi ihatid ito. But that would be the first and the last time that I will do that." Sagot ko pa kay Mae.

Nagtanong si Daddy. "Wala na
bang kamag anak aside sa Tita niya na namatay sa US? Kawawa naman." Tanong nito.

"Wala po Daddy. Kaya salamat sa pagtanggap sa kanya dito sa bahay. Wala na rin yatang ka pera pera yun. Hindi naman nagsasabi pero walang laman ang ref ng pumunta ako." Dagdag pa ni Mae.

"Mas mabuti pa ipasundo mo na lang kay Mang Rene sa linggo." Suggestion naman ni Michael.

"Yun nga Kuya. Gusto ko sanang bisitahin ito ngayong araw. Dalhan ko lang ng pagkain." Paalam ni Mae sa mga magulang namin.

Narinig kong nagsalita si Mommy. "Wala bang boyfriend yan? Baka mamaya katulad din yan ni Elisa na magtatanan. Pero napakagandang bata. Pwede ngang maging modelo o di kaya maging artista." Sabi naman ni Mommy.

Sumagot si Mae. "Ay wala po siyang boyfriend Mommy. Pero napansin ko lang na habulin talaga siya ng mga lalaki. Eh, parang nasa kanya na lahat ng katangian ng isang babae. Andaming nagkakagusto diyan. Pero wala pa yata sa isip magka boyfriend. Hindi nga niya alam na maganda siya." Tumatawa pang sabi ni Mae.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon