Susunod: Snow White
-Pasilip-
Ako Si Snow White. Anak ng isang katulong at magsasaka. Lumaki akong nagsisilbi sa palasyo dahil dito rin nagtatrabaho ang aking ina.
Hindi ko sila tunay na magulang dahil ang sabi sa akin ng aking ina, binigay lang ako ng isang mangangaso sa kanila. Hindi ko kilala ang aking totoong magulang at wala na akong planong kilalanin sila dahit masaya na ako sa mga taong nagpalaki sa akin.
Masyadong abalan ang palasyo ngayon dahil ikakasal na ang prinsipe. Nabalitaan kong isa lang katulong ang mapapangasawa ng prinsipe.
Ang swerte naman nya. Sana makahanap rin ako ng prinsipeng handa akong gawing reyna.
-----------------------------------------
Ako si David. Isang prinsipe at anak ng reynang si Queen Regina. Nakapangasawa ng isang hari ang aking ina kaya pinalad akong maging isang prinsipe.
Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ang naging posisyon ko ngayon. Bago mamatay ang hari, iniwan nya sa amin ang pangangalaga sa iniwan nyang anak na babae. Ngunit isang krimen ang ginawa ng aking ina. Inutusan nya ang kanyang tapat na mangangaso na patayin ang batang prinsesa upang sya ang maging reyna at ako ang maging prinsipe.
Taliwas roon, ang kinatuwa ko sa pagiging prinsipe ko ay nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na prinsipe sa kabilang kaharian.
Ikakasal na sya sa anak ng isang dating duke. Ikinatuwa ko ang balitang iyon kaya pupunta ako sa kanilang kaharian upang masaksihan ang kanilang kasalan.
Abangan.................
YOU ARE READING
Happily Ever After ♥♥♥
RandomA compilation of fairy tale stories..... With a TWIST???