Part XXI

460 16 0
                                    


Malaki ang kwartong iyon at sobrang maganda sa loob. May isang minitown na may umaandar na tren sa mga syudad. Sa ceiling naman lumilipad ang may katamtamang laki ng eroplanong laruan, iba-ibang uri ito. Ang higaan niya'y dinisenyo na parang half crescent moon at nakapalibot dito ang mga unan na bituin. May mga nakalagay sa aparador na iba't ibang klase ng laruan, classic ang mga ito, tulad ng mga batalyon ng nutcrackers. May set din siya ng story books. Hindi ko mailalarawan ng detalyado ang buong kwarto kaya sasabihin ko nalang na ito'y isang palasyo ng batang prinsipe.

Humiga na ako't natulog ng mahimbing.

Pag-gising ko'y 6:30 am na. nagkita kami sa kusina, umiinom siya ng tsaa doon. May mga nalutong pagkain narin.

*Oh, buti at may pagkain nang handa. Naitago ba ito sa ref.?

'nasamid siya sa sinabi ko

*Hindi ba talaga halatang ako ang naghanda ng lahat? I mean, ako talaga ang nagluto?

*Hindi eh (direct to the point)

*Argh' never mind. May nakita akong cooking book dito sa kusina, minabuti kong sundin ng may pagpapasensya, buti nga't heto nakapaghanda. Ensayo narin to, pero sana magustuhan mo.

*Nagustuhan ko, wala namang pinagkaiba ang pagluto ko at ng paggawa mo kung sinunod nating pareho ang tamang proseso. (ngumiti ako sa kanya at siya din naman)

Tama sa lasa ang lahat ng niluto niya. Naging mapayapa ang agahan at namangha rin naman akong malinis ang kusina.

*Gawin nating matagumpay ang isang ito, para pagbalik natin sa siyudad, ako naman maging tagapagtanggol mo.

*Magtatagumpay ka, alalahanin mo lang ng mabuti ang bawat ituturo ko sayo.

Pagkatapos mag-usap at magtoss' ng tasa ay naghanda na kami para mamundok.

*Ano ba dapat ang ihinahanda kapag lalabas sa mga lugar na pwedeng sabihing may panganib?

(itinuro ko isa-isa sa kanya ang mga dapat gawin)

*Ayos! Sige, susubukan kong gawin ang sakin tulad ng sinabi mo.

(nagligpit siya ng sarili niyang dadalhin, tinignan ko ito isa'isa)

*Good, bro necessary lahat. Bilis mo matuto. Hindi talaga magiging mahirap ang turuan ka.

(ngumiti siya ng maaliwalas, na may maamong mukha bakas sa kanyang giliw na pagkabata)

Namangha ako sa ekspresyon na kanyang ipinakita. Ngumiti rin ako sa kanya at panatag na lumabas ng mansion kasama siya.

1st day:

Tinuruan ko siyang magtayo ng pansamantalang tulugan gamit ang mga dahon ng niyog at kawayan.

*Teka, parang sa pelikula lang naman nabubuo yung bahay-bahayan na gawa dito.

*Hindi ah, kaya to basta may tiyaga at diskarte.

*Anong gagamitin nating pantali?

*mga halamang dagat na lumulutang sa dalampasigan o kaya malambot na tangkay ng mga malalaking dahon.

*Sige, susubukan kong manguha ng mga pwedeng ipangbigkis sa mga 'to.

(bumaba siya ng bundok at kumuha ng mga halamang dagat sa dalampasigan, isang oras din siyang nawala)

*Ayos! Nakakuha ako, sapat na ba t—

Nagulat siya ng may makitang nakapulupot saking malaking ahas. Nang mga panahong iyon ay hindi ako makagalaw, tumingin ako sa kanya.. at pilit tinuturo ang mga gamit ko.

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon