Para sa mga lalaki (pananaw ng isang babae)

1.9K 15 0
                                    

Boys, paano ba kayo tumingin ng babae? Kasi karamihan sa inyo ngayon, tumitingin sa physical appearance. Kung maganda ba, sexy, maputi, makinis, etc. tanong ko lang, kelan ba tumibok ang mata?

Boys, ganun ba kaimportante ang itsura sa inyo? Bakit, ang mga babae ba, pag pinayagan kayong manligaw, tingin niyo dahil sa itsura at dating niyo lang? Sige, sabihin na natin na may porsyento nga ng itsura niyo ang tinitingnan ng isang babae. Pero kaming mga babae, hindi lang kami basta basta naaattract at nagmamahal ng base sa itsura ng lalake. Dahil kadalasan, hindi naman kami napapamahal sa itsura, kundi sa ugali din naman. Aanin niyo ba ng magandang muka kung kasing gaspang naman ng kalsada ang pag-uugali niya?

Kaming mga babae, pag nagmahal, todo at umaapaw. Ipapadama namin sa inyo ang pagmamahal na nararamdaman namin walang labis walang kulang. Kung kadalasan umiiyak man kami sa pagitan ng mga away natin, hindi dahil nagpapaawa kami. Dahil yun sa sobrang pagmamahal namin at ayaw namin ng away dahil pataasan lang naman ng pride ang kakahinatnat.pero kadalasan, kaming mga babae pa ang nanunuyo at kumakaen ng pride. Yung selos na ikinagagalit niyo kapag nakikita naming nalalapit na kayo sa ibang babae, hindi yun pag-iinarte. Natatakot lang kami na baka sa isang kurap ng mga mata namin ay mawala kayo.

Boys, hindi naman sa nilalahat ko kayo, pero karamihan sa inyo, nagagawa pang manloko ng babaeng ibibigay ang buong mundo dahil sa pagmamahal niya sa inyo. Hindi ba pwedeng makuntento naman kayo? Pwede namang tanggapin ang flaws ng isang babae dahil hindi kami perpekto. Kung minsan, aaminin ko, may pagkukulang din kami, pero at some point of time, we are trying to fill those lapses.

Kaming mga babae, dapat niyong irespeto at igalang. Nagkakaperiod kami buwan buwan. Maingay at madaldal kami. Makulit din kadalasan. Nagger pa kung minsan. Pero kaming mga babae, masiyahin, sweet, maalaga, mapagmahal at mapagpahalaga. Hindi kami perpekto pero hindi kami dapat niloloko. Tandaan mo, yung taong nagbigay buhay sa'yo ay ang nanay mo, na isang babae din.

Hindi ko sinasabi lahat ng 'to para sabihin na mas mataas ang babae sa lalaki, o para ipamuka sa inyo ang mga bagay bagay. Hindi rin para ipagmayabang ang mga kaya at katangian ng nga babae. Sinasabi ko lang 'to para mapahalagahan niyo ang mga babaeng tunay na nagmamahal sa inyo.

Boys, wag niyong sayangin ang isang pagkakataong ibinigay sa inyo ng babaeng mahal kayo. Dahil yan, hindi man niyan sabihin ng harap harapan, itago man niya ang nararamdaman, nagmamahal pa din yan. At kaming mga babae, dapat igalang at mahalin ng totoo nang mga lalake.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Para sa mga lalaki (pananaw ng isang babae)Where stories live. Discover now