Chapter 1

5 1 0
                                    

"Po?"

"At dahil late ka.. Ikaw na ang bahala kay Alexander."

"Pero-"

"walang pero pero!!"

"okay sir."

"Ms. Alpha, ikaw na po ang bahala kay Ms. Chua dahil na late sya."

"Aye! Aye! Sir."

Umalis na ang principal at naiwang nakasimangot si Angelica sa harap ng klase at nag simula nang mag turo si mam Alpha. May binulong muna sya kay Angelica at sinenyasan si Alexander.

"Pumunta ka sa Faculty after ng first period nyo, isama mo si Alexander."

Mejo natakot at kinabahan ang dalaga dahil sa seryoso ang tono ng pag kakasabi ng bagong guro nila. Sa kalagitnaan naman ng kanilang klase, biglang may balita na nag flash sa screen ng monitor sa room nila. Balita tungkol sa bus na bumangga sa truck, dahil dito, lalong kinabahan si Angelica. Naalala nya kasi ang boses sa isip nya nag sabing umalis sa bus habang may pag kakataon sya. Hanggang ngayon ay gulong gulo sya hanggang sa matapos na ang unang subject nila.

*sa Faculty*

Nasa tapat na ng pintuan si Angelica na madaming dala dalang kaba at mga katanungan sa isip nya. Nang mabuksan nya ito ay parang may tumatakbo sa isip nya na bumalik na lang sa classroom nila. Pero huli na ang lahat bago pa nya maihakbang paurong ang paa nya dahil ang na kasunod sa kanyang si Alexander ay hinawakan sya sa braso at hinila papasok dahil sa kabagalan nya. Hindi na nito pinansin ang pag hila sa kanya ng lalake. Napako ang tingin nya sa isang itim na upuan na nakatalikod sa kanila, lalong bumilis ang build-up ng kaba na nararamdaman nya ng magsalita ang tao sa likod ng itim na upuan.

"Angelica, patay ka na di ba?" sabi ni Mam Alpha na may napaka wierdong ngiti sabay harap sa kanila.

"A-a-a-no po yung tinutukoy nyo?"

"Lahat.. Yung aksidente na nangyari kanina, diba sakay ka din ng bus na yun? Hindi k aba nag tataka sa pag katao mo? Nasubukan mo na bang mag tanong tungol sa mga panaginip mo? Tungkol sa pag katao mo? Matutulungan ka namin Angelica. Basta pumayag ka lang malaman ang lahat. Hindi naming ipagkakait ang katotohan sa iyo."

Napaluhod na lang si Angelica? Gulong gulo ang nasa isip nya. Pano nya nalaman? Sino ba talaga sya? Ano ba talaga sya?

"Ayos lang samin mag hintay kung kelan mo gustong malaman ang katotohanan, libre lang naman mag tanong. Kung kail-" hindi na natapos ng guro ang kanyang sinasabi ng tumayo si Angelica.

"Oo. Gusto ko malaman ang lahat. Simula sa simula, sa panaginip at pati doon sa nangyaring aksidente sa bus. Pati kung sino na rin kayo. Kung pano nyo nalaman yung mga panaginip at mga nangyari sakin."

"Kung gusto mo malaman ang lahat, may kapalit ang gusto mo hija."

"Kahit ano mang kapalit yan. Para malaman ko lang ang lahat ng detalye. Handa ako."

Napahawak na lang sa baba ang guro. Nag iisip. Hanggang sa tinuro nya si Alexander na kampante lang na nanunuod sa kanilang dalawa.

"Sabihin mo na ang ka palit."

"Okay ate." Napalingon naman si Angelica kay Alexander sa pagkabigla sa huling sinabi. Sinagot naman ng binata ang mga tanong mula sa mata ng dalaga.

"Oo ate ko sya. Kailangan nya lang mag palit ng pangalan para makapag apply dito ng trabaho. Balik tayo sa ka palit para malaman mo ang lahat. Kailangan mo nang iwan ang pekeng pamilya mo dito. Pati itong eskwelahang ito. Kung handa ka na, may ipapadala kaming tauhan sa bahay nyo at susunduin ka para ihatid sa bahay naming. Kami na ang mag hahatid sa iyo sa bago mong eskwelahan kung saan kailangan mong mag sanay. Wag kang mag alala sa nanay mo, matagal na nyang alam ang mga kakayahan mo at alam nya rin na dadating ang oras na kailangan ka na naming sunduin. Pwede ka naman nyang dalawin."

First Asia Institute of Magic and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon