Blaze's POV
Nagising ako mula sa pagkatulog nang narinig ko ang maingay na tahol ni Blor. Ginigising niya na ako.
Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Tinignan ko si Blor na nakatingin din sakin. Nakipagtitigan lang ako sakanya nang walang ekspresyon yung mukha ko nang ilang minuto. Baliw na talaga ako. Biglang may bumato sakin ng unan.
"Hoy baliw 7:30 na. Baliw!" Sabi ni Storm sakin. Naka-uniform na siya.
"Oo alam ko. Ang aga pa nambibwisit ka na." Mahinang sabi ko eh sa inaantok pa ako eh. Humiga agad ako sa kama at pinikit ulit ang mga mata ko.
"May klase pa tayo."-Storm.
"Ano?!" Kumaripas agad ako ng takbo papuntang banyo. 30 minutes left klase na namin.
Natapos na ako nakasuot na din ako ng uniform na yung skirt 2 inches above the knee tapos knee sock. Hindi na ako nagsuot ng blazer na kasama din sa uniform namin. Mainit kaya. Paglabas ko nakita ko si Storm na natutulog sa kama ko.
"Hoy ikaw na naman natutulog? Gumising ka na nga!" Sigaw ko sakanya. Dinaganan ko siya kasi hindi siya nakikinig. Tumayo naman siya agad.
Umalis na kami at pumunta na sa school. Nauna akong pumunta sa gate kasi may naiwan si Storm sa sasakyan niya.
"Miss, blazer niyo? Required na suotin yan ng lahat ng estudyante." matapang na sabi ng security guard.
"Pakealam mo? Ang init kaya tapos mag susuot pa ako ng blazer? Patawa ka ba?" Mukhang bago lang 'tong guard. Hindi niya ba ako kilala? Sorry mainit ulo ko ngayon. Ganyan talaga ako pag inaantok.
"Hindi ka pwedeng pumasok." Hinawakan niya yung wrist ko ng mahigpit saka tinapon ako sa kanal sa gilid. Joke lang po haha.
"Get your hand off me!" sigaw ko. Sinipa ko yung pinaka-iingatan niya. Mahina lang naman yung pagka-sipa ko.
"Aray!" Nabitawan niya ako.
"Nakalimutan mo sigurong black-belter 'tong kinalaban mo." Sabi ko saka pinindot ko yung button sa gilid para bumukas ang gate. Pumunta na ako sa classroom namin.
"Why are you late?" Mataray na tanong ng prof. namin.
"Kung sinabi ko sa'yo kung bakit na late ako, may magagawa ka pa ba? Tapos na yun. Huwag nang balikan ang nakaraan." Sabi ko with matching hugot line. Eww hindi bagay sa kagandahan ko. Last na 'to.
"Oo nga no? Sige upo ka na." Sabi niya. See?
'Uy classmate, bakit late ka? Hahaha. Minus 10 ka sa test. *maleficent's laugh*' Naka-receive ako ng message galing kay Storm. Tinignan ko siya. Nasa kabilang row siya naka-upo pero sa likod.
'Wala akong load.' reply ko naman. Naka-line kaya ako.
'Kaya pala naka-reply ka.' reply niya naman. Lumingon nalang ako sakanya saka siya binehlatan at nag roll-eyes.
Natapos na yung klase namin at lunch na. Sabay kaming pumunta ni Storm sa canteen at umupo sa table namin kasama yung iba naming kasama.
"Hahaha! Si Yui minus 10 sa test!! Wahaha!" bungad ni Storm sakanila nang maka-upo kami.
"Kaligayahan mo na yan?" Mataray na tanong ni Kheya. Nag-agree naman sila.
"Hindi halata?" Pagtataray din ni Storm.
"Hephep! Guys its Kiro!! Oh my gosh mas gumwapo ka! Ano bang nakain mo sa Venice bakit mas gumwapo ka pa!" bunganga yan ni Nami. Yung pinakamadaldal samin. Pinsan siya nina Storm.
"Hi." Yun lang yung sinabi ni kuya saka umupo sa tabi ko.
"Hi kuya. Bakit hindi ka sa bahay dumiretso muna?" Siya si Kiro Nam. Kuya ko siya. Kiniss ko siya sa cheeks. Miss ko na siya. Two months kasi siyang wala dito. Pumunta siya sa Venice. For business naman yun eh.
BINABASA MO ANG
Best Frienemy
NezařaditelnéAraw-araw parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Pero masaya naman kahit papaano. Bata palang ako marami na akong kinaiinisan. Isa na dun yung Best enemy ko na hindi ko alam kung bakit Best friend ko din. Lalaki siya. Well actually pangit siya...